Sinasabing namana ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona ang kanyang talento sa sining ng pag-arte at musika mula sa kanyang mga magulang na artista. Pero kanino kaya niya namana ang pagiging mulat sa mga usapin sa lipunan na kadalasang tema ng kanyang mga awitin.
Si Francis ay anak ng mga batikang artista na sina Pancho Magalona at Tita Duran. Pero alam nyo ba na ang lolo ni Francis na si Enrique Magalona (tatay ni Pancho) ay dating senador ng bansa at batikang pulitiko sa Negros Occidental.
Dalawang ulit naging senador si Enrique mula noong 1946-1949 at 1949 hanggang 1955. Ngunit bago naging senador, nagsilbi siyang municipal president ng bayan ng Saravia at assemblyman hanggang 1938.
At dahil sa kontribusyon ni Enrique sa kanyang bayan at sa lalawigan ng Negros, isang batas ang pinagtibay noong 1976 upang ipangalan sa kanya ang bayan ng Saravia.
Sa edad na 44, pumanaw si Francis M. noong Marso 6 sa sakit na leukemia
Source