Nagtrabaho dati bilang kasambahay (houseboy) ang makatang ito. At sa laki ng kontribusyon na ibinigay niya sa Pilipinas sa larangan ng literatura, tinanghal siyang "Prinsipe ng tula" at ipinangalan sa kanya ang isang bayan sa Bulacan kung saan siya isinilang.
Isinilang si Francisco Baltazar sa Bigaa, Bulacan noong Abril 1788. Nagtrabaho siya bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa Tundo, Maynila noong kanyang kabataan upang tustusan ang kanyang pag-aaral.
Sa kanyang sikap at tiyaga, nakapagtapos si Francisco ng kolehiyo sa kursong Philosophy at Theology. Ipinagpatuloy din niya ang kanyang hilig sa paggawa ng mga tula at nakilala siya sa bansag na “Francisco Balagtas."
Pinakasikat at kilala sa kanyang mga obra ang “Florante at Laura" na isinulat niya sa Tagalog at sinasabing hango sa masaklap niyang karanasan sa pag-ibig at pagmamalupit ng mga Kastila.
Sa kanyang husay, kinilala si Francisco bilang “Prinsipe ng Tula," at isinunod sa kanyang pangalang “Balagtas" ang bayan ng “Bigaa." Kay Francisco rin kinuha ang kompetisyon sa literatura na kung tawagin ngayon ay “Balagtasan."
Source