Monday, June 15, 2009

Binago ang oras

Alam nyo ba na minsan ng binago ng pamahalaan ang tunay na oras sa Pilipinas sa layuning makatipid ang bansa sa konsumo ng enerhiya at inaangkat na langis sa ibang bansa.

Sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Corazon Aquino ipatupad ang Daylight Saving Time (DST) noong Agosto 1990. Sa loob ng isang buwan, pinaaga ng isang oras ang mga relo sa bansa upang magamit ng husto sa mga opisina sa mga pribado at pampublikong kumpanya ang libreng sikat ng araw.

Noong Abril 2006, iminungkahi muli ng Department of Trade and Industry na ipatupad ang DST dahil pa rin sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ngunit hindi ito nangyari
Source

1 comment:

  1. Agosto ba? Hulyo ang alam kong may DST na... naging blessing nga yan. High School ako non sa SLU Boys High... Kung di DST... mas marami sanang biktima ang July 16, 1990 na lindol.

    ReplyDelete