Umaabot sa P11 milyon ang insentibo sa unang atletang Filipino na makasusungkit ng gintong medalya sa gaganaping Olympics sa Beijing, China na magsisimula sa Agosto 8. Pero alam nyo ba na kung tutuusin ay hindi zero sa gold medal ang Pilipinas sa kompetisyon na ito na ginagawa tuwing ika-apat na taon.
Mula nang magpadala ang Pilipinas ng manlalaro noong 1924 Summer Olympics sa Paris, France ay hindi pa nakatitikim ng gintong medalya ang bansa.
Ngunit noong 1988 ay nagdiwang ang Pilipinas nang pitasin ni Arianne Cerdena sa larangan ng bowling ang “unang" gold medal ng bansa sa ginanap na Summer Olympics sa Seoul, Korea.
Naging doble ang kasiyahan ng mga Filipino nang naibulsa naman ni Leopoldo Serantes ang bronze medal para sa light flyweight division sa larangan ng boxing.
Ang panalong ito ni Serantes ang dumilig sa matinding pagkauhaw ng Pilipinas sa medalya na huling nakatikim noong 1964.
Ngunit ang gintong medalya na nakuha ni Cerdena ay hindi naisama sa talaan ng mga medalyang napanalunan ng Pilipinas dahil ang bowling na kanyang nilahukan ay kabilang lamang sa demonstration sport at hindi kasama sa official event.
Subalit ang tagumpay na iyon ni Cerdena ay nagbibigay ng pag-asa sa mga atletang Filipino na ang pagkapanalo ng gintong medalya ay hindi imposible.
Source
i agree on your last statement, it is not impossible for us to be a gold medalist "Cardena" is a good example. we Filipinos need to be more confident and price aimer, yet humble.
ReplyDelete--------
philippine trivia
GO FOR THE GOLD... FILIPINOS! Galing at Puso... LALABAN sa mundo...! kaya yan!
ReplyDeleteGO FOR THE GOLD... FILIPINOS! Galing at Puso... LALABAN sa mundo...! kaya yan!
ReplyDelete