Sinasabing wala sa tamang panahon nang ilunsad ang rebolusyon ng mga Filipino laban sa mga mananakop na Kastila noong 1896. Kilala nyo ba kung sino ang taong sinasabing “nagtaksil" nang ikumpisal niya sa isang pari ang samahan ng Katipunan.
Agosto 1896 nang ikumpisal umano ni Teodoro Patiño kay Fr Marinao Gil ang sekretong samahan ng mga Katipunero sa Tundo. Pinapaniwalaan na ginawa ito ni Patiño bilang paghihiganti sa kapwa Katipunero na si Apolinario dela Cruz.
Magkasama sina Patiño at Dela Cruz sa isang printing press kung saan dito nila lihim na nililimbag ang rebolusyunaryong pahayagan na “Kalayaan." Dahil sa isiniwalat ni Patiño,nagsagawa ng pagdakip ang mga Kastila laban sa mga katipunero at nagsimula na ang marahas na pag-aaklas.
Ngunit may mga salaysay noong 1920’s na nagsasabing sinadya ni Patiño na ibunyag ang Katipunan batay sa utos ni Andres Bonifacio upang masimulan na ang armadong himagsikan na kinokontra umano ng ibang pinuno ng Katipunan.
Source
No comments:
Post a Comment