Friday, May 29, 2009

Dating OFW ang sikat na komedyante

Kinikilala ang malaking kontribusyon ng komedyanteng ito sa industriya ng showbiz. Ngunit ang hindi alam ng marami, bago siya sumikat sa pelikula at telebisyon ay dati siyang overseas Filipino worker o OFW.

Si Dolphy, ang kinikilalang hari ng comedy sa Pilipinas ay dating nangibang bansa noong 1950’s upang magtrabaho bilang entertainer. Ang husay sa pagsayaw ang naging puhunan ni Dolphy upang makarating sa Hong Kong, Hawaii at Japan.

Ayon kay Eric Quizon, anak ni Dolphy, nasa 20’s ang edad ng kanyang ama nang magtrabaho ito sa ibang bansa. Kaya naman maituturing isa sa mga “orig" na OFW ang ‘Comedy King.’

Sa ika-80 taong kaarawan ni Doplhy nitong July 23, inilunsad ang libro tungkol sa buhay ng komedyante na may titulong, “Dolphy, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa."

Inialay ni Dolphy, Rodolfo Vera Quizon sa tunay na buhay, ang kanyang libro sa mga OFW. Katunayan, ilang bahagi ng kikitain sa libro ay ibibigay sa isang foundation upang tustusan ang pag-aaral ng mga anak ng OFWs.

Sinabi ng aktor na batid niya ang damdamin ng mga Filipino na nangingibang bansa at malayo sa kanilang mahal sa buhay.

Source

No comments:

Post a Comment