MANILA - Nababalot ng makulay na kasuotan at armado ng anting-anting at bolo, sinugod ng may 400 lalake ang Malacanang noong Mayo 1967 upang paalisin ang nakapwestong presidente noon na si Ferdinand Marcos. Alam nyo ba kung anong grupo ang gumawa nito at ano ang kanilang kinahantungan?
Mayo 21, 1967 nang sugurin ng mga kasapi ng Lapiang Malaya na pinamumunuan ni Valentin delos Santos ang Malacanang. Nakasuot sila ng damit na kulay asul, pula at dilaw. Armado ng bolo at anting-anting para hindi sila tablan ng bala, sinagupa nila ang mga pulis na nagbabantay sa Malacanang.
Kasunod nito ay ang pag-alingawngaw ng mga putok ng baril. At nang mahawi ang usok, mahigit 30 ang nasawi at marami ang sugatan sa hanay ng Lapiang Malaya. Dinakip naman ang mga nakaligtas kasama ang kanilang lider na si delos Santos at kinasuhan ng sedisyon.
Ngunit sa halip na sa kulungan dalhin, ipiniit si delos Santos sa mental hospital dahil sa paniwalang may sakit ito sa pag-iisip. Subalit hindi nagtagal ay binugbog at pinaslang si delos Santos sa loob ng ospital.
Source
No comments:
Post a Comment