Isa sa mga kultura na ipinagmamalaki ng lalawigan ng Aurora ay ang “Komedya de Baler." Alam nyo ba kung anong mayroon sa dulang ito na tungkol sa labanan ng mga Kristiyano at Muslim na tiyak na magdudulot ng kaba sa mga manonood.
Sinasabing taong 1927 nang magsimula ang “Komendya de Baler" na impluwensya rin umano ng mga Kastila. Bagaman ilang oras na lang tumatagal ang dula ngayon, noong una ay umaabot umano sa tatlong araw ang pagtatanghal nito.
Ginagawa noon ang komedya tuwing kapistahan ng Patron ng Baler na si San Luis Obispo. May sinusunod din pamahain noon sa pagdaraos ng dula, tulad sa mga estilo ng kasuotan o kaya naman ay kung mahina ang ani o may kalamidad sa lalawigan.
Takaw atensyon ang makulay na kasuotan ng mga aktor sa dula. Ngunit ang higit na dapat pagtuunan ng pansin ng mga manonood ay ang gamit na itak ng mga aktor na pawang tunay at matalas. Kaya naman ang mga manonood ay tiyak na kakabahan dahil sa isang maling galaw ng aktor ay maaaring mauwi sa disgrasya ang palabas.
Matinding ensayo ang ginagawa ng mga kasali sa dula ngunit may ilang pagkakataon pa rin na hindi maiiwasan na may mangyaring maliit na insidente. Dahil sa tunay at matalas ang mga itak, may pagkakataon na nasusugatan ang ilan sa mga aktor.
Sinasabing paboritong panoorin noon ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon at kabiyak niyang si Dona Aurora Quezon ang nasabing dula. Ang lalawigan ng Aurora ay hango sa pangalan ng dating Unang Ginang.
Source
No comments:
Post a Comment