Wednesday, April 29, 2009

Unang ‘Ding’ sa ‘Darna’

Hindi kumpleto ang kwento ng paboritong Pinoy superhero na “Darna" na nilikha ni Mars Ravelo kung wala ang kanyang sidekick na si “Ding." Kilala nyo ba kung sinong aktor ang unang gumanap sa papel na “Ding" noong 1951.

Taong 1951 nang ipalabas sa sinehan ang kauna-unahang pelikula na “Darna" na pinagbidahan ni Rosa del Rosario. Ang naturang pelikula ang isa rin sa mga huling proyekto ni Fernando Poe Sr. bilang direktor.

Pero ang kauna-unahang “Ding" na madalas sumakay sa likod ni “Darna" ay ginampanan ni Manuel Ubaldo. Dahil naging hit sa takilya ang pelikula, nasundan kaagad ang “Darna" sa sumunod na taon na pinagbidahan pa rin nina Del Rosario at Ubando.
Source

Monday, April 27, 2009

Mom gets quintuplets after expecting quadruplets

MANILA, Philippines - While she expected to give birth to quarduplets, a construction worker's wife got a surprise as she gave birth to quintuplets in Manila before dawn Monday.

Radio dzXL reported that Lolita Fernandez gave birth to the five girls through Caesarian operation at the Jose Reyes Memorial Medical Center at 4 a.m.

But of the five, only two were reported healthy, with two hooked to a respirator and the fifth still in critical condition and was placed in the intensive care unit.

The parents, who already a child aged one year and seven months, appealed to the public for financial help in raising their children.
Source

Thursday, April 16, 2009

Boxing champ na tagalinis ng sapatos

Bago pa man hinangaan ng mga Filipino ang husay ni Manny “Pacman" Paquiao sa boksing, alam nyo ba kung sinong Pinoy boxer ang tiningala sa buong mundo na dating tagalinis ng sapatos sa kanyang lalawigan.

Si Gabriel “Flash" Elorde, isinilang sa Bogo, Cebu noong 1935 ay nadiskubre habang naglilinis ng sapatos sa kanyang lalawigan noong ito ay tinedger pa lamang.

Hirap sa buhay ang pamilya ni Elorde kaya hindi nito tinapos ang pag-aaral sa elementarya upang kumita ng pera at makatulong sa kanyang magulang.

Sa edad na 16, sinasabing nahasa na ang husay ni Elorde sa boksing at napasabak na kaagad sa walong propesyunal na laban kung saan anim dito ay napatumba nya ang kalaban.

Nakuha ni Elorde ang titulo ng world super featherweight noong Marso 1960. Naidepensa nya ito ng 10 ulit hanggang 1967. Dahil dito, tinanghal siya bilang kampyon na pinakamatagal humawak ng world junior lightweight belt sa loob ng pitong taon.

Dahil sa sakit na kanser bunga ng kanyang hilig sa paninigarilyo, pumanaw si Elorde noong 1985 sa edad na 49.

Noong 1993, pinarangalan si Elorde bilang unang Asyano na iniluklok sa International Boxing Hall of Fame sa New York at sa prestihiyosong World Boxing Hall of Fame.
Source

Tuesday, April 14, 2009

‘Badageros’ noon, sino sila ngayon?

Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga “badegaros" sa lipunan kung usapin ng komunikasyon ang pag-uusapan. Ngunit dahil sa modernong teknolohiya, unti-unti na silang nawawala ngayon. Alam nyo ba kung sino sila?

Badageros ang tawag sa mga taong naghahatid ng mga sulat noong 17th Century nang panahon na nasasakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Ngayon mas kilala sila sa tawag na “kartero" o postman.

Limitado lamang noon ang serbisyo ng paghahatid ng sulat sa mga opisyal ng pamahalaan at alagad ng Simbahan. Ang mga badageros (dalawa kung magtrabaho) ang naghahatid ng mga sulat na walang bayad.

Sinasabing 1853 nang pahintulutan ng mga pamahalaan ng Kastila na buksan sa publiko ang serbisyo ng pagpapadala ng sulat. Dito na gumamit ng mga selyo o stamp at nagkaroon na rin ng bayad ang paghahatid ng mga mensahe.

Ngunit bunga ng modernong teknolohiya, malaking bilang mga badageros ngayon ang nawalan ng trabaho dahil ang mga mensahe ay naipadadala na sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, cell phone, text message at e-mail o electronic mail.
Source

Sunday, April 12, 2009

Umasenso sa P10,000 puhunan

Kilala nyo ba kung sino ang negosyante na nagsimula sa puhunan na P10,000 at segunda-manong trak at ngayon ay isa na sa pinakamayamang Pinoy sa Pilipinas.

Isinilang noong Disyembre 13, 1949 sa Tundo, Manila si Manuel “Manny" Villar Jr., na ngayon ay Senate President ng bansa. Sa murang edad, nagtinda siya ng hipon at isda sa palengke ng Divisoria kasama ang ina.

Nang magtapos ng kolehiyo sa University of Philippines (UP) sa kursong business administration and accountancy, magtrabaho siya bilang accountant sa Sycip Gorres Velayo & Co. (SGV & Co).

Hindi rin nagtagal ay nagbitiw siya sa trabaho upang magtayo ng sariling negosyo na seafood delivery sa isang restaurant. Nang hindi siya mabayaran ng restaurant, kinausap nya ito upang magbigay ng “meal ticket" na kanya namang ibinibigay sa mga nagtatrabaho sa isang opisina na may discounted rate.

Pansamantala rin siyang nagtrabaho bilang financial analyst sa Private Development Corporation of the Philippines. Taong 1975 nang nagpasya siyang pasukin ang negosyo ng graba at buhangin na kung saan ang puhunan nya ay P10,000 na ipinambili nya ng segunda-manong trak.

Mula sa graba at buhangin, napunta si Villar sa pagbebenta ng mga bahay sa mga developer na sinusuplayan nya ng mga construction material hanggang sa tuluyan na nitong pasukin ang real estate business sa pamamagitan ng Camella and Palmera Homes.

Taong 1992 nang pasukin nya ang pulitika at tumakbong kongresista ng Las Pinas. Sa kanyang huling termino ay nahalal siyang Speaker ng House of Representatives. Nang tumakbong senador noong 2001, ginamit niyang campaign slogan ang “Sipag at Tiyaga" na batay umano sa kanyang sariling karanasan sa pag-asenso.
Source

Friday, April 10, 2009

Sumpaan ng mga Presidente

Alam nyo ba na limang Presidente ang nanumpa sa kanilang tungkulin bilang lider ng Pilipinas sa isang grandstand sa Maynila na mas kilala sa tawag noon na Independence Grandstand.

Independence Grandstand ang tawag noon sa mas kilala ngayon na Quirino Grandstand sa Luneta. Kabilang sa mga presidente na nanumpa rito sa mismong Rizal Day ay sina dating Pangulong Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal at Ferdinand E. Marcos.

Sina dating Pangulong Corazon Aquino ay nanumpa sa loob ng Club Filipino sa San Juan, habang matapos mapatalsik ng People Power revolt 1 si Marcos noong 1986. Samantalang si dating Pangulong Joseph Estrada ay nanumpa sa Barasoin Church sa Bulacan.

Si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nanumpa sa EDSA (People Power monument) matapos ang matagumpay na ikalawang People Power revolt na nagpatalsik kay Estrada noong 2001. Sa lalawigan naman ng Cebu pinili ni Arroyo na manumpa nang manalo sa halalan noong 2004.
Source

Wednesday, April 8, 2009

Bigong pagpatay sa Unang GinangBigong pagpatay sa Unang Ginang

Kilala nyo ba kung sino ang dating First Lady ng bansa na nagtamo ng mahigit 70 tahi sa braso at kamay bunga ng mga taga na inabot niya sa isang lalaking sumalakay sa kanya sa harap ng maraming tao.

Mahigit dalawang buwan mula nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong September 23, 1972, sinugod ng isang lalaki na nakasuot ng damit na amerika ang si dating First Lady Imelda Marcos at inundayan ito ng mga taga.

Sinasabing naganap ang bigong asasinasyon kay Gng Marcos sa lumang Nayong Filipino habang dumadalo ito at nagkakaloob ng parangal sa isa niyang proyekto. Hindi kaagad natunugan ng mga bantay ni Gng Marcos ang masamang balak ng lalaki dahil itinago nito ang patalim sa loob ng mahabang manggas ng amerikana.

Dahil sa umiiral na batas militar, nagkaroon ng media blackout sa naturang insidente kaya hindi nagkaroon ng sapat na impormasyon ang media sa pagkakakilanlan ng suspek na napatay rin ng mga security personnel ni Gng. Marcos.

Maliban sa hinala ng militar na miyembro ng komunistang grupo ang suspek, may ilang hindi kumpirmadong ulat na nagsabing Carlito Dimailig ang pangalan nito, at nagmula siya sa lalawigan ng Batangas. Hindi rin malinaw kung saan inilagay ang kanyang mga labi.
Source

Monday, April 6, 2009

Pulitika sa dugo ni Francis M.

Sinasabing namana ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona ang kanyang talento sa sining ng pag-arte at musika mula sa kanyang mga magulang na artista. Pero kanino kaya niya namana ang pagiging mulat sa mga usapin sa lipunan na kadalasang tema ng kanyang mga awitin.

Si Francis ay anak ng mga batikang artista na sina Pancho Magalona at Tita Duran. Pero alam nyo ba na ang lolo ni Francis na si Enrique Magalona (tatay ni Pancho) ay dating senador ng bansa at batikang pulitiko sa Negros Occidental.

Dalawang ulit naging senador si Enrique mula noong 1946-1949 at 1949 hanggang 1955. Ngunit bago naging senador, nagsilbi siyang municipal president ng bayan ng Saravia at assemblyman hanggang 1938.

At dahil sa kontribusyon ni Enrique sa kanyang bayan at sa lalawigan ng Negros, isang batas ang pinagtibay noong 1976 upang ipangalan sa kanya ang bayan ng Saravia.

Sa edad na 44, pumanaw si Francis M. noong Marso 6 sa sakit na leukemia
Source

Saturday, April 4, 2009

Bayan na ipinangalan sa makata

Nagtrabaho dati bilang kasambahay (houseboy) ang makatang ito. At sa laki ng kontribusyon na ibinigay niya sa Pilipinas sa larangan ng literatura, tinanghal siyang "Prinsipe ng tula" at ipinangalan sa kanya ang isang bayan sa Bulacan kung saan siya isinilang.

Isinilang si Francisco Baltazar sa Bigaa, Bulacan noong Abril 1788. Nagtrabaho siya bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa Tundo, Maynila noong kanyang kabataan upang tustusan ang kanyang pag-aaral.

Sa kanyang sikap at tiyaga, nakapagtapos si Francisco ng kolehiyo sa kursong Philosophy at Theology. Ipinagpatuloy din niya ang kanyang hilig sa paggawa ng mga tula at nakilala siya sa bansag na “Francisco Balagtas."

Pinakasikat at kilala sa kanyang mga obra ang “Florante at Laura" na isinulat niya sa Tagalog at sinasabing hango sa masaklap niyang karanasan sa pag-ibig at pagmamalupit ng mga Kastila.

Sa kanyang husay, kinilala si Francisco bilang “Prinsipe ng Tula," at isinunod sa kanyang pangalang “Balagtas" ang bayan ng “Bigaa." Kay Francisco rin kinuha ang kompetisyon sa literatura na kung tawagin ngayon ay “Balagtasan."
Source

Thursday, April 2, 2009

Sikat na kumpanya na hango sa kalye

Alam nyo ba na hango sa isang kalye sa Maynila at sa Barcelona, Spain ang pangalan ng isang kumpanya na gumagawa ng nakalalasing inumin na hindi lang sa Pilipinas sikat kundi maging sa ibang bansa sa Asya.

Sinasabing itinatag noong 1890s ang San Miguel Corporation na sinimulan ni Enrique Barretto y de Ycaza sa pamamagitan ng royal grant mula sa Espana. Ngunit bago naging SMC, ang dating pangalan ng kumpanya ay La Fabrica de Cerveza de San Miguel.

Ang pangalang San Miguel ay mula sa isang distrito sa Maynila na malapit sa Malacanang kung saan itinayo ang kauna-unahang brewery ng kumpanya. May katulad ding pangalan ng kalye na San Miguel sa Barcelona, Spain.

Taong 1960s nang paigsiin na umano ang pangalan ng kumpanya sa San Miguel Corporation at ilipat ang head office nito mula sa Maynila sa Ayala Avenue sa Makati.
Source