Sunday, April 12, 2009

Umasenso sa P10,000 puhunan

Kilala nyo ba kung sino ang negosyante na nagsimula sa puhunan na P10,000 at segunda-manong trak at ngayon ay isa na sa pinakamayamang Pinoy sa Pilipinas.

Isinilang noong Disyembre 13, 1949 sa Tundo, Manila si Manuel “Manny" Villar Jr., na ngayon ay Senate President ng bansa. Sa murang edad, nagtinda siya ng hipon at isda sa palengke ng Divisoria kasama ang ina.

Nang magtapos ng kolehiyo sa University of Philippines (UP) sa kursong business administration and accountancy, magtrabaho siya bilang accountant sa Sycip Gorres Velayo & Co. (SGV & Co).

Hindi rin nagtagal ay nagbitiw siya sa trabaho upang magtayo ng sariling negosyo na seafood delivery sa isang restaurant. Nang hindi siya mabayaran ng restaurant, kinausap nya ito upang magbigay ng “meal ticket" na kanya namang ibinibigay sa mga nagtatrabaho sa isang opisina na may discounted rate.

Pansamantala rin siyang nagtrabaho bilang financial analyst sa Private Development Corporation of the Philippines. Taong 1975 nang nagpasya siyang pasukin ang negosyo ng graba at buhangin na kung saan ang puhunan nya ay P10,000 na ipinambili nya ng segunda-manong trak.

Mula sa graba at buhangin, napunta si Villar sa pagbebenta ng mga bahay sa mga developer na sinusuplayan nya ng mga construction material hanggang sa tuluyan na nitong pasukin ang real estate business sa pamamagitan ng Camella and Palmera Homes.

Taong 1992 nang pasukin nya ang pulitika at tumakbong kongresista ng Las Pinas. Sa kanyang huling termino ay nahalal siyang Speaker ng House of Representatives. Nang tumakbong senador noong 2001, ginamit niyang campaign slogan ang “Sipag at Tiyaga" na batay umano sa kanyang sariling karanasan sa pag-asenso.
Source

No comments:

Post a Comment