Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga “badegaros" sa lipunan kung usapin ng komunikasyon ang pag-uusapan. Ngunit dahil sa modernong teknolohiya, unti-unti na silang nawawala ngayon. Alam nyo ba kung sino sila?
Badageros ang tawag sa mga taong naghahatid ng mga sulat noong 17th Century nang panahon na nasasakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Ngayon mas kilala sila sa tawag na “kartero" o postman.
Limitado lamang noon ang serbisyo ng paghahatid ng sulat sa mga opisyal ng pamahalaan at alagad ng Simbahan. Ang mga badageros (dalawa kung magtrabaho) ang naghahatid ng mga sulat na walang bayad.
Sinasabing 1853 nang pahintulutan ng mga pamahalaan ng Kastila na buksan sa publiko ang serbisyo ng pagpapadala ng sulat. Dito na gumamit ng mga selyo o stamp at nagkaroon na rin ng bayad ang paghahatid ng mga mensahe.
Ngunit bunga ng modernong teknolohiya, malaking bilang mga badageros ngayon ang nawalan ng trabaho dahil ang mga mensahe ay naipadadala na sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, cell phone, text message at e-mail o electronic mail.
Source
No comments:
Post a Comment