Thursday, April 16, 2009

Boxing champ na tagalinis ng sapatos

Bago pa man hinangaan ng mga Filipino ang husay ni Manny “Pacman" Paquiao sa boksing, alam nyo ba kung sinong Pinoy boxer ang tiningala sa buong mundo na dating tagalinis ng sapatos sa kanyang lalawigan.

Si Gabriel “Flash" Elorde, isinilang sa Bogo, Cebu noong 1935 ay nadiskubre habang naglilinis ng sapatos sa kanyang lalawigan noong ito ay tinedger pa lamang.

Hirap sa buhay ang pamilya ni Elorde kaya hindi nito tinapos ang pag-aaral sa elementarya upang kumita ng pera at makatulong sa kanyang magulang.

Sa edad na 16, sinasabing nahasa na ang husay ni Elorde sa boksing at napasabak na kaagad sa walong propesyunal na laban kung saan anim dito ay napatumba nya ang kalaban.

Nakuha ni Elorde ang titulo ng world super featherweight noong Marso 1960. Naidepensa nya ito ng 10 ulit hanggang 1967. Dahil dito, tinanghal siya bilang kampyon na pinakamatagal humawak ng world junior lightweight belt sa loob ng pitong taon.

Dahil sa sakit na kanser bunga ng kanyang hilig sa paninigarilyo, pumanaw si Elorde noong 1985 sa edad na 49.

Noong 1993, pinarangalan si Elorde bilang unang Asyano na iniluklok sa International Boxing Hall of Fame sa New York at sa prestihiyosong World Boxing Hall of Fame.
Source

No comments:

Post a Comment