Wednesday, February 25, 2009

Lungsod na bawal ang paputok

Kung abala ang Department of Health sa paghahanap ng paraan kung papaano “tatakutin" ang mga Filipino para hindi na magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, isang lungsod naman sa Pilipinas ang walang problema kapag magpapalit ang taon dahil sa umiiral ang total ban sa paputok.

Taun-taon ay maraming Filipino ang dinadala sa mga pagamutan dahil sa pinsalang tinamo sa katawan dahil sa paputok. Sinasabing sa pagsalubong ng 2005, umabot sa 177 tao ang nasaktan dahil sa paputok.

Ang naturang bilang ng mga biktima ay bumaba sa 118 noong 2006 at bahagya pang nabawasan noong 2007 sa bilang na 108. Ngunit sa pagsalubong nitong 2008, mula Disyembre 21, 2007 hanggang Enero 2, 2008 ay lumobo ang bilang ng mga naputukan sa 439. Hindi pa kasama rito ang mga tinawaan ng ligaw na bala.

Bilang paghahanda sa pagsalubong sa 2009, nagpalabas ng anunsyo ang Department of Health ng mga malagim na eksena ng mga naputukan tulad ng mga gutay-gutay na kamay para “takutin" ang publiko sa malagim na pinsala ng paputok.

Dahil sa pinsalang dulot ng paputok; bukod pa sa mga insidente ng sunog, nagpalabas ng ordinansya ang konseho ng Davao City na sinuportahan ni Mayor Rodrigo Duterte para ipatupad ang “total ban" sa paputol sa lungsod noong 2001.

Ngunit bago ipatupad ang ban, kabilang ang Davao City sa mga lunsod na may mataas na bilang ng mga naputukan. Sa talaan ng Davao Medical Center, may 47 biktima ng paputok noong 1998, 59 sa 1999, at 88 noong 2000.
Source

No comments:

Post a Comment