Alam nyo ba kung saan sa Pilipinas ginaganap ang tradisyunal na prusisyon ng tatlong Santo na dinadaluhan ng mga taong naghahangad na magkaroon ng asawa, masaganang buhay, at higit sa lahat - anak.
Ang Pista ng Obando sa Bulacan ay dinadayo maging ng mga dayuhang turista dahil sa maraming testimonya na nagkaroon sila ng anak matapos sumama sa prusisyon at nakisayaw sa saliw ng tugtog ng “Santa Clara Pinung-Pino."
Ang taunang selebrasyon tuwing kalagitnaan ng Mayo ay tatlong araw na isinasagawa upang maglaan ng araw ng prusisyon sa bawat Santo. Ito ay sina San Pascual Baylon (St. Paschal), Santa Clara (St. Clare) at Nuestra Señora de Salambao (Our Lady of Salambao).
Ang imahe ni Santa Clara ang pinakamatandang patron sa Obando ay dinala umano ng mga Franciscan missionaries sa Catanghalan na dating pangalan ng Obando.
Sumunod nito ay ang imahe ni San Pascual Baylon na dinala rin ng mga misyunaryong kastila matapos maitayo ang isang simbahan sa bayang ito noong 18th century.
Sinasabing nalambat naman ng mga mangingisda sa laot ang imahe ng Nuestra Señora de Salambao at dinala ito sa simbahan ng Obando. Ang Nuestra Señora de Salambao ang itinuturing patron ng mga mangingisda at kasaganahan.
Source
No comments:
Post a Comment