Thursday, February 12, 2009

Pinay beauty queen na tumanggi sa korona

Kilala nyo ba kung sino ang Pinay beauty queen na dapat sana’y unang Asian na naging Miss World ngunit tinanggihan nya ang korona bilang protesta.

Nobyembre noong 1973 nang katawanin ni Evangeline Pascual ang Pilipinas sa patimpalak na Miss World na ginanap sa Royal Albert Hall sa London.

Tabla ang naging boto ng mga hurado kina Pascual at Miss USA na si Marjorie Wallace. Dahil dito, kinailangang bumoto ang chairman of the board ng mga hurado na si Gregory Peck - isang aktor mula sa US.

Si Wallace ang pinili ni Peck at naging first-runner up si Pascual.

Ngunit ilang buwan ang nakalipas, inalis kay Wallace ang korona bilang Miss World dahil inuuna umano nito ang pakikipag-date sa mga kilalang personalidad kaysa tungkulin ng isang Miss World.

Nang isalin ng pamunuan ng Miss World ang korona kay Pascual bilang first runner-up, sinasabing tinanggihan ito ng Pinay sa paniwalang hindi naging patas sa kanya at sa mga Asyano ang naging desisyon ng hurado noong araw mismo ng patimpalak.
Source

No comments:

Post a Comment