Friday, February 13, 2009

Lungsod na ‘di nasanay sa tawag na Rizal

Alam nyo ba kung anong lungsod sa Metro Manila ang isinunod sa pangalan ni Dr Jose Rizal pero hindi umabot ng tatlong taon ay ibinalik din sa kanyang orihinal na pangalan?

Hunyo 1947 nang lagdaan ni dating Pangulong Manuel Roxas ang ipinasang panukalang batas ng Kongreso upang tawaging Rizal ang lungsod na ito sa Metro Manila.

Ang naturang panukalang batas ay inihain ng kanilang kongresista na si Ignacio Santos Diaz at nang panahon iyon ay alkalde naman si Mateo Rufino.

Ngunit pagkalipas ng dalawang taon at mahigit walong buwan, hindi pa rin nasanay ang mga residente na tawagin ang kanilang lungsod na Rizal. Dahil dito, naghain ng panibagong panukalang batas ang sumunod na kongresista na si Eulogio Rodriguez, Jr. upang ibalik sa orihinal na pangalan ang kanilang lugar.

May 3, 1950 nang nilagdaan ng sumunod na pangulo noon na si Elpidio Quirino ang batas na ipinasa ng Kongreso na ibalik sa orihinal na ang pangalan ang lungsod – ito ay ang Pasay.
Source

No comments:

Post a Comment