MANILA – Dalawang hakbang pasulong, isang hakbang paatras. Alam nyo ba kung anong sayaw ito na pinapaniwalaang isang ritwal noon para magbigay pugay sa imahe ng Sto Nino na ginagawa taon-taon sa isang lalawigan sa Visayas.
Ang sayaw na ito ay tinawag na “Sinulog," na hango sa salitang “sulog" o agos ng ilog. Sa taunang “Sinulog festival" sa lalawigan ng Cebu, nagmimistulang agos ang mga taong makikisaya sa kalye sa ritmo ng malakas na tambol.
Tumatagal ng siyam na araw ang kapistahan ng Sto Nino sa Cebu na may dalawang malalaking aktibidad – ang prosisyon ng Sto Nino at ang makulay at engrandeng parada na dinadayo maging ng mga dayuhan.
Ang imahe ng Sto Nino de Cebu ay sinasabing dinala sa lalawigan noong 1521 ni Ferdinand Magellan bilang regalo kina Rajah Humabon at kabiyak nitong si Hara Humamay.
Nakakamit umano ng mga nakikilahok sa kapistahan ang kanilang mga hinahangad kung mataimtim at matibay ang pananampalataya sa Sto Nino.
Source
No comments:
Post a Comment