Wednesday, February 11, 2009

Pinakamatandang bangko sa Pinas

Taong 1851 nang itatag ang kauna-unahang bangkong Pinoy sa Pilipinas na Banco Español-Filipino de Isabel II. Alam nyo ba na pagkalipas ng mahabang panahon ay bukas pa rin ito hanggang ngayon bagaman iba na ang pangalan.

Ang Banco Español-Filipino de Isabel II (o Filipino Bank of Isabel II) ay ipinangalan sa reyna ng Espana na si Isabella II, anak ng dating hari na si King Ferdinand VII. Dahil wala pang sariling salapi ang Pilipinas nang panahong iyon, ang pera na idinedeposito sa bangko ay tinawag na “pesos fuertes" o “strong peso" na hango sa salapi ng mga Mexicano.

Ang unang deposito sa bangko ay inilagak umano ng isang nagngangalang Fulgencio Barrera. Isang Tsino naman na nagngangalang “Tadian" ang sinasabing unang kliyente ng bangko para humiram.

Nang maisakatuparan ang Treaty of Paris noong 1898 at mailipat sa United States ang pamamahala sa Pilipinas, nailipat na rin ang pamunuan ng Banco Español-Filipino de Isabel II sa mga Filipino mula sa mga Espanol.

At pagsapit ng 1912, tuluyan ng nagpasya ang pamunuan ng bangko na palitan ang pangalan nito at tawaging Bank of the Philippine Islands (BPI).
Source

No comments:

Post a Comment