Sunday, February 15, 2009

‘Oplan Yellow’ sa Malacanang

Tinawag na “Oplan Yellow" ang taktika na ginamit ng militar at pulisya upang protektahan ang Malacanang sa isang malaking pagtitipon ng mga magsasaka. Ngunit nauwi sa karahasan ang protesta at naging bahagi ng madugong kabanata sa kasaysayan ng bansa.

Enero 22, 1987 nang magmartsa ang may 10,000 magsasaka patungong Mendiola upang ipanawagan sa noo’y Pangulong Cory Aquino na ipatupad ang tunay na repormang agraryo.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, dating hepe ng Manila police district na bahagi ng pwersa na magpoprotekta sa Malacanang, tinawag na “Oplan Yellow" ang taktika ng militar at pulisya para pigilin ang magsasaka sakaling sumugod sa Palasyo.

Isang malakas na pagsabog umano ang nagmistulang hudyat sa pagsugod ng mga magsasaka patungo sa direksyon ng Malacanang. Sumunod nito ay ang walang tigil na putukan sa hanay ng awtoridad.

Nang tumigil ang putukan, 13 magsasaka ang nasawi at mahigit 80 iba pa ang nasaktan dahil sa tama ng bala. Binansagang ang trahedyang ito na "Mendiola Massacre."

Iginiit ni Lim na hindi nagmula sa pwersa ng mga pulis ang bumaril sa mga magsasaka kundi sa mga kasama nilang militar na myembro ng Philippine Marines.
Source

No comments:

Post a Comment