Sunday, June 21, 2009

Rebolusyon: Binigla o nabigla?

Sinasabing wala sa tamang panahon nang ilunsad ang rebolusyon ng mga Filipino laban sa mga mananakop na Kastila noong 1896. Kilala nyo ba kung sino ang taong sinasabing “nagtaksil" nang ikumpisal niya sa isang pari ang samahan ng Katipunan.

Agosto 1896 nang ikumpisal umano ni Teodoro Patiño kay Fr Marinao Gil ang sekretong samahan ng mga Katipunero sa Tundo. Pinapaniwalaan na ginawa ito ni Patiño bilang paghihiganti sa kapwa Katipunero na si Apolinario dela Cruz.

Magkasama sina Patiño at Dela Cruz sa isang printing press kung saan dito nila lihim na nililimbag ang rebolusyunaryong pahayagan na “Kalayaan." Dahil sa isiniwalat ni Patiño,nagsagawa ng pagdakip ang mga Kastila laban sa mga katipunero at nagsimula na ang marahas na pag-aaklas.

Ngunit may mga salaysay noong 1920’s na nagsasabing sinadya ni Patiño na ibunyag ang Katipunan batay sa utos ni Andres Bonifacio upang masimulan na ang armadong himagsikan na kinokontra umano ng ibang pinuno ng Katipunan.
Source

Friday, June 19, 2009

Gaano kahaba ang Lupang Hinirang

Dahil sa kakaibang rendisyon na ginawa ni Martin Nievera sa pag-awit ng Lupang Hinirang, uminit muli ang talakayan tungkol sa Pambansang Awit ng Pilipinas. Pero alam nyo ba na hindi pa umabot ng isang minuto ang haba ng opisyal na bersyon ng kantang ito.

Ang bersyon ni Nievera sa Lupang Hinirang na kinanta niya sa laban nina Pinoy boxing icon Manny Pacquiao at British “Hitman" Ricky Hatton sa Las Vegas noong Mayo 3 ay tumagal ng halos isang minuto at 30 segundo.

Ngunit sa opisyal na bersyon ng Pambansang Awit na mapakikinggan sa Web site ng National Historical Institute, tumagal lamang ito ng 55 segundo sa ritmo ng “Marcha Filipina Magdalo" na ginawa ni Julian Felipe noong 1898.
Source

Wednesday, June 17, 2009

Paboritong libangan ng bilyunaryo

Ang shopping mall tycoon na si G. Henry Sy at ang kanyang pamilya ang kinikilalang pinakamayamang tao ngayon sa Pilipinas, batay sa talaan Forbes magazine. Alam nyo ba kung ano ang paborito niyang libangan noong kanyang kabataan.

Taong 1958 nang buksan ni G. Sy ang una nitong tindahan ng sapatos sa Rizal Avenue sa Maynila na tinawag na “Shoemart" at ngayon ay mas kilala bilang “SM" mall. Ngayon, mahigit 30 na ang sangay ng SM mall sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas bukod pa sa mga sangay sa ibang bansa tulad ng China at US.

Isa sa mga kapansin-pansin sa mga mall ng SM ay ang pagkakaroon nito ng lugar para sa ice skating at bowling lanes. Ang dahilan; paboritong libangan ito ni G. Sy noong kanyang kabataan at nais umano niyang itong ibahagi sa mga kabataang Filipino.
Source

Monday, June 15, 2009

Binago ang oras

Alam nyo ba na minsan ng binago ng pamahalaan ang tunay na oras sa Pilipinas sa layuning makatipid ang bansa sa konsumo ng enerhiya at inaangkat na langis sa ibang bansa.

Sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Corazon Aquino ipatupad ang Daylight Saving Time (DST) noong Agosto 1990. Sa loob ng isang buwan, pinaaga ng isang oras ang mga relo sa bansa upang magamit ng husto sa mga opisina sa mga pribado at pampublikong kumpanya ang libreng sikat ng araw.

Noong Abril 2006, iminungkahi muli ng Department of Trade and Industry na ipatupad ang DST dahil pa rin sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ngunit hindi ito nangyari
Source

Saturday, June 13, 2009

Boxing champ na tagalinis ng sapatos

Bago pa man hinangaan ng mga Filipino ang husay ni Manny “Pacman" Paquiao sa boksing, alam nyo ba kung sinong Pinoy boxer ang tiningala sa buong mundo na dating tagalinis ng sapatos sa kanyang lalawigan.

Si Gabriel “Flash" Elorde, isinilang sa Bogo, Cebu noong 1935 ay nadiskubre habang naglilinis ng sapatos sa kanyang lalawigan noong ito ay tinedger pa lamang.

Hirap sa buhay ang pamilya ni Elorde kaya hindi nito tinapos ang pag-aaral sa elementarya upang kumita ng pera at makatulong sa kanyang magulang.

Sa edad na 16, sinasabing nahasa na ang husay ni Elorde sa boksing at napasabak na kaagad sa walong propesyunal na laban kung saan anim dito ay napatumba nya ang kalaban.

Nakuha ni Elorde ang titulo ng world super featherweight noong Marso 1960. Naidepensa nya ito ng 10 ulit hanggang 1967. Dahil dito, tinanghal siya bilang kampyon na pinakamatagal humawak ng world junior lightweight belt sa loob ng pitong taon.

Dahil sa sakit na kanser bunga ng kanyang hilig sa paninigarilyo, pumanaw si Elorde noong 1985 sa edad na 49.

Noong 1993, pinarangalan si Elorde bilang unang Asyano na iniluklok sa International Boxing Hall of Fame sa New York at sa prestihiyosong World Boxing Hall of Fame.
Source

Thursday, June 11, 2009

9-araw na Bise Presidente

Kilala siya sa larangan ng pulitika at binansagang ama ng Philippine “archipelagic doctrine" at eksperto sa Law of the Sea. Sino itong batikang mambabatas na siyam na araw lamang naging Bise Presidente ng Pilipinas.

Si Arturo Tolentino na isinilang noong Setyembre 19, 1910 ay naging kongresista mula 1949 hanggang 1957 at senador mula 1957 hanggang 1972. Mula 1965 hanggang 1967 ay pinamunuan niya ang Senado, bago itinalagang Minister of Foreign Affairs ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1984 – 1985.

Nang umigting ang panawagan kay Marcos na magbitiw sa pwesto kasunod ng pagpaslang kay dating Senador Benigno “Ninoy" Aquino Jr., pumayag si Marcos na magkaroon ng snap election noong 1986 kung saan kinuha niyang Bise Presidente si Tolentino.

Nakalaban ni Marcos sa posisyon ng pangulo si dating Pangulong Corazon Aquino, habang si dating bise presidente Salvador Laurel ang nakaharap ni Tolentino.

Idineklarang panalo sa bilangan ng boto sina Marcos at Tolentino noong Pebrero 16, 1986 ngunit humantong sa People Power revolution ang lahat dahil sa alegasyong dinaya ni Marcos ang resulta ng halalan.

Sa kainitan ng rebolusyon, umalis ng Malacanang si Marcos at tinangka ni Tolentino na pamunuan ang bansa bilang kahaliling lider kung wala ang halal na presidente - pero nabigo sya. Pagsapit ng Pebrero 26, iginalang ni Tolentino ang pasya ng mga Filipino.

Muli siyang nakabalik sa Senado mula 1992 hanggang 1995 at pumanaw noong Agosto 2004 sa sakit sa puso.
Source

Tuesday, June 9, 2009

Bayan na dating kilala bilang 'Paluslos'

Alam nyo ba kung anong munisipalidad sa lalawigan ng Bulacan ang unang nakilala sa tawag na “paluslos" noong panahon ng mananakop ng mga Kastila?

Nang dumating umano ang mga misyunaryong Kastila sa Bulacan noong 1570s, isang opisyal ng hukbo ang nagtanong sa mga residente tungkol sa bahagi ng lalawigan na kanilang narrating.

Dahil hindi umano nauunawaan ang salita ng mga Kastila, binanggit ng mga katutubo na “paluslos" ang lugar o pababa dahil mayroon pa itong ilog.

Sa paglipas ng panahon, ang salitang “paluslos" ay napalitan hanggang sa maging Malolos, na bahagi na ngayon ng kasaysayan ng bansa.

Sa Malolos itinatag ni General Emilio Aguinaldo ang unang Republika ng Pilipinas.
Source

Sunday, June 7, 2009

'Pagbinyag' sa bagyo

Kilala nyo ba kung sino sina Uring, Rosing, Ruping, Sening, Loleng, Sisang, Miding at Didang? Ilan lang sila sa pangalan na inaabangan noon sa Pilipinas kapag panahon ng tag-ulan.

Sinasabing noong 1960s sinimulang gamitin ng Weather Bureau ng Pilipinas (ngayon ay mas kilala sa tawag na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa ) ang mga pangalan ng babae mula letrang “A" hanggang “Y" at magtatapos sa “ng" bilang pangalan ng mga bagyo na dadaan sa teritoryo ng bansa.

Dahil sa paggamit ng pangalan ng babae sa bagyo, naging usapin dito ang gender bias. Naging biru-biruan din na pabago-bago kasi ang lagay ng panahon katulad ng pag-iisip ng babae kaya pangalan ng babae ang ginagamit sa pagtukoy sa bagyo.

Noong 1990’s nang nagpakontes ang Pagasa upang hingan ng suwestyon ang publiko ng kahit anong pangalan na pwedeng ibinyag sa bagyo.

At sa libu-libong pangalan na inirekomenda, 140 pangalan ng bagyo ang nakuha kung saan kabilang na ang pangalan ng lalaki. Ngunit dahil tinatayang 20 bagyo lamang ang dumadaan sa Pilipinas bawat taon, hinati ito sa apat na grupo at salit-salitang ginagamit tuwing ika-apat na taon.

Sa isang taon, 35 pangalan ng bagyo ang nakalista sa Pagasa kung saan 10 sa mga pangalan ay nagsisilbing reserba lamang sakaling humigit sa 25 ang bagyo na dumaan sa Pilipinas.
Source

Friday, June 5, 2009

Komedya ng Baler na nakakakaba

Isa sa mga kultura na ipinagmamalaki ng lalawigan ng Aurora ay ang “Komedya de Baler." Alam nyo ba kung anong mayroon sa dulang ito na tungkol sa labanan ng mga Kristiyano at Muslim na tiyak na magdudulot ng kaba sa mga manonood.

Sinasabing taong 1927 nang magsimula ang “Komendya de Baler" na impluwensya rin umano ng mga Kastila. Bagaman ilang oras na lang tumatagal ang dula ngayon, noong una ay umaabot umano sa tatlong araw ang pagtatanghal nito.

Ginagawa noon ang komedya tuwing kapistahan ng Patron ng Baler na si San Luis Obispo. May sinusunod din pamahain noon sa pagdaraos ng dula, tulad sa mga estilo ng kasuotan o kaya naman ay kung mahina ang ani o may kalamidad sa lalawigan.

Takaw atensyon ang makulay na kasuotan ng mga aktor sa dula. Ngunit ang higit na dapat pagtuunan ng pansin ng mga manonood ay ang gamit na itak ng mga aktor na pawang tunay at matalas. Kaya naman ang mga manonood ay tiyak na kakabahan dahil sa isang maling galaw ng aktor ay maaaring mauwi sa disgrasya ang palabas.

Matinding ensayo ang ginagawa ng mga kasali sa dula ngunit may ilang pagkakataon pa rin na hindi maiiwasan na may mangyaring maliit na insidente. Dahil sa tunay at matalas ang mga itak, may pagkakataon na nasusugatan ang ilan sa mga aktor.

Sinasabing paboritong panoorin noon ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon at kabiyak niyang si Dona Aurora Quezon ang nasabing dula. Ang lalawigan ng Aurora ay hango sa pangalan ng dating Unang Ginang.
Source

Wednesday, June 3, 2009

'Giant' rat bites, wounds shopper in Manila mall

MANILA, Philippines - Management of a "bargain mall" in the busy Divisoria district in Manila may find itself in hot water after a shopper claimed being bitten by a giant rat inside the establishment.

Radio dzBB reported early Friday the shopper, initially identified as Annabelle Eugenio, said the rat bit her while she was shopping inside the Tutuban Mall in Divisoria.

Eugenio claimed the force of the bite was such that she let go of her infant son, who was one year and eight months hold.

She asked the mall's management to explain why rats could abound in their establishment, and to help defray the costs of her medical treatment.
Source

Monday, June 1, 2009

Bayaning sakay sa Flight 811 ng China Airlines

MANILA - Kilala nyo ba kung sino ang pasaherong sakay ng Flight 811 ng China Airlines na naging bayani dahil sa insidenteng naganap noong Agosto 21, 1983 na bahagi na ngayon ng kasaysayan ng Pilipinas.

Marcial Bonifacio ang nakatala sa passenger manifest ng F-811 ng China Airlines, ngunit ang tunay niyang pangalan ay Benigno S. Aquino Jr, na mas kilala sa tawag na “Ninoy."

Ang “alias" na Marcial Bonificio na ginamit ni Ninoy sa pasaporte na sinasabing ginawa sa Malaysia ay pinagsamang “Marcial" (para sa Matial Law na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos) at “Bonifacio" (para sa Fort Bonifacio kung saan siya napiit noong rehimeng Marcos).

Umalis ng Pilipinas si Ninoy noong 1980 nang payagan ito ni Marcos na magpagamot sa United States para sa kanyang sakit sa puso. Mula noong ay hindi na siya pinabalik ng bansa at napilitang mag-exile.

Sa kabila ng mga banta na papatayin kapag bumalik sa Pilipinas, nagdesisyon si Ninoy na umuwi sa bansa noong 1983 dahil sa paglala ng kalagayan ng ekonomiya at rebelyon ng mga komunistang grupo.

Mula sa US, bumiyahe si “Marcial Bonifacio" patungong Taipei at pagkatapos ay Pilipinas. Sakay ng Flight 811 ng China Airlines, lumapag ang eroplano noong Agosto 21, 1983 sa dating Manila International Airport. Sa loob ng eroplano ay sinundo siya ng mga sundalo pababa sa tarmac.

Ngunit sinasabing hindi pa ganap na nakakatapak si Ninoy sa sahig ng paliparan ay binaril ito sa likod ng ulo. Itinuro ng mga sundalo na si Rolando Galman, isa umanong rebelde ang bumaril kay Ninoy. Ngunit sa isinagawang imbestigasyon ay nadiin ang mga sundalong sumundo kay Ninoy at nahatulang makulong ng habambuhay.
Source

Saturday, May 30, 2009

Madugong pagsalakay sa Malacanang

MANILA - Nababalot ng makulay na kasuotan at armado ng anting-anting at bolo, sinugod ng may 400 lalake ang Malacanang noong Mayo 1967 upang paalisin ang nakapwestong presidente noon na si Ferdinand Marcos. Alam nyo ba kung anong grupo ang gumawa nito at ano ang kanilang kinahantungan?

Mayo 21, 1967 nang sugurin ng mga kasapi ng Lapiang Malaya na pinamumunuan ni Valentin delos Santos ang Malacanang. Nakasuot sila ng damit na kulay asul, pula at dilaw. Armado ng bolo at anting-anting para hindi sila tablan ng bala, sinagupa nila ang mga pulis na nagbabantay sa Malacanang.

Kasunod nito ay ang pag-alingawngaw ng mga putok ng baril. At nang mahawi ang usok, mahigit 30 ang nasawi at marami ang sugatan sa hanay ng Lapiang Malaya. Dinakip naman ang mga nakaligtas kasama ang kanilang lider na si delos Santos at kinasuhan ng sedisyon.

Ngunit sa halip na sa kulungan dalhin, ipiniit si delos Santos sa mental hospital dahil sa paniwalang may sakit ito sa pag-iisip. Subalit hindi nagtagal ay binugbog at pinaslang si delos Santos sa loob ng ospital.
Source

Friday, May 29, 2009

Dating OFW ang sikat na komedyante

Kinikilala ang malaking kontribusyon ng komedyanteng ito sa industriya ng showbiz. Ngunit ang hindi alam ng marami, bago siya sumikat sa pelikula at telebisyon ay dati siyang overseas Filipino worker o OFW.

Si Dolphy, ang kinikilalang hari ng comedy sa Pilipinas ay dating nangibang bansa noong 1950’s upang magtrabaho bilang entertainer. Ang husay sa pagsayaw ang naging puhunan ni Dolphy upang makarating sa Hong Kong, Hawaii at Japan.

Ayon kay Eric Quizon, anak ni Dolphy, nasa 20’s ang edad ng kanyang ama nang magtrabaho ito sa ibang bansa. Kaya naman maituturing isa sa mga “orig" na OFW ang ‘Comedy King.’

Sa ika-80 taong kaarawan ni Doplhy nitong July 23, inilunsad ang libro tungkol sa buhay ng komedyante na may titulong, “Dolphy, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa."

Inialay ni Dolphy, Rodolfo Vera Quizon sa tunay na buhay, ang kanyang libro sa mga OFW. Katunayan, ilang bahagi ng kikitain sa libro ay ibibigay sa isang foundation upang tustusan ang pag-aaral ng mga anak ng OFWs.

Sinabi ng aktor na batid niya ang damdamin ng mga Filipino na nangingibang bansa at malayo sa kanilang mahal sa buhay.

Source

Wednesday, May 27, 2009

‘Unang’ ginto ng Pilipinas sa Olympics

Umaabot sa P11 milyon ang insentibo sa unang atletang Filipino na makasusungkit ng gintong medalya sa gaganaping Olympics sa Beijing, China na magsisimula sa Agosto 8. Pero alam nyo ba na kung tutuusin ay hindi zero sa gold medal ang Pilipinas sa kompetisyon na ito na ginagawa tuwing ika-apat na taon.

Mula nang magpadala ang Pilipinas ng manlalaro noong 1924 Summer Olympics sa Paris, France ay hindi pa nakatitikim ng gintong medalya ang bansa.

Ngunit noong 1988 ay nagdiwang ang Pilipinas nang pitasin ni Arianne Cerdena sa larangan ng bowling ang “unang" gold medal ng bansa sa ginanap na Summer Olympics sa Seoul, Korea.

Naging doble ang kasiyahan ng mga Filipino nang naibulsa naman ni Leopoldo Serantes ang bronze medal para sa light flyweight division sa larangan ng boxing.

Ang panalong ito ni Serantes ang dumilig sa matinding pagkauhaw ng Pilipinas sa medalya na huling nakatikim noong 1964.

Ngunit ang gintong medalya na nakuha ni Cerdena ay hindi naisama sa talaan ng mga medalyang napanalunan ng Pilipinas dahil ang bowling na kanyang nilahukan ay kabilang lamang sa demonstration sport at hindi kasama sa official event.

Subalit ang tagumpay na iyon ni Cerdena ay nagbibigay ng pag-asa sa mga atletang Filipino na ang pagkapanalo ng gintong medalya ay hindi imposible.
Source

Friday, May 15, 2009

Man stabs teenager in Cebu to get free food in jail

MANILA, Philippines - Poverty prompted a Cebu City resident to stab a youth in an eatery over the weekend just so he could land in jail and enjoy free food served there, a radio report said Monday.

Radio dzBB’s Cebu affiliate reported that Lucio Acosta stabbed the youth, whose name was withheld, and did not resist arrest when accosted by village watchmen.

When watchmen asked him the reason for stabbing the victim, he said he wanted to get free food inside the New City Jail, where he was to be brought.

The report quoted Acosta as saying poverty forced him to resort to an unusual way to get food, as he already tried getting jobs but was rejected because of his asthma.

Acosta was to be formally charged and brought to the New City Jail on Monday, the report said.
Source

Wednesday, May 13, 2009

Heneral na babae sa pulisya

Alam nyo ba na sa tinatayang 118,000 tauhan ng Philippine National Police ay aabot lamang sa may 8,000 ang babae. Kaya naman ipinagbunyi ng mga alagad ni “Eba" nang sa unang pagkakataon ay may babaeng pulis na nabigyan ng ranggong Chief Superintendent na katambas ng Brigadier General sa militar.

Si Ma. Luisa Dimayuga ang kauna-unahang pulis na babae ang nabigyan ng ranggong Chief Superintendent noong panahon na ang tawag pa saPNP ay Philippine Constabulary - Integrated National Police (PC-INP).

Binuwag ang PC-INP noong 1991 at pinalitan ng PNP dahil sa pagkakasangot nito sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar.

At sa panahon ng PNP, si Yolanda Tanigue ang sumunod sa yapak ni Dimayuga na nakatanggap ng ranggong Chief Superintendent.
Source

Monday, May 11, 2009

Sikat na kumpanya na hango sa kalye

Alam nyo ba na hango sa isang kalye sa Maynila at sa Barcelona, Spain ang pangalan ng isang kumpanya na gumagawa ng nakalalasing inumin na hindi lang sa Pilipinas sikat kundi maging sa ibang bansa sa Asya.

Sinasabing itinatag noong 1890s ang San Miguel Corporation na sinimulan ni Enrique Barretto y de Ycaza sa pamamagitan ng royal grant mula sa Espana. Ngunit bago naging SMC, ang dating pangalan ng kumpanya ay La Fabrica de Cerveza de San Miguel.

Ang pangalang San Miguel ay mula sa isang distrito sa Maynila na malapit sa Malacanang kung saan itinayo ang kauna-unahang brewery ng kumpanya. May katulad ding pangalan ng kalye na San Miguel sa Barcelona, Spain.

Taong 1960s nang paigsiin na umano ang pangalan ng kumpanya sa San Miguel Corporation at ilipat ang head office nito mula sa Maynila sa Ayala Avenue sa Makati.
Source

Saturday, May 9, 2009

'Young' K9 mistakes packages for explosives in Davao Norte

MANILA, Philippines - A "young" K-9 bomb-sniffing dog caused tension in a church in Tagum City in Davao del Norte province last Sunday by mistakenly identifying two packages as bombs.

Online news site Mindanao Daily Mirror reported Wednesday that the head of Tagum City police admitted the "expensive" K-9 made a mistake in the incident.

Superintendent Gussepe Geralde admitted the K-9 dog needs re-training since it is still young, the report said.

Police had brought the dog to the Christ the King Cathedral Sunday night following reports that suspicious packages had been found in the vicinity.

The incident happened a day after two bombs exploded inside two Husky bus units at a bus terminal in Koronadal City which wounded five persons.

The dog sat near the packages supposedly to indicate that they contained explosives. But Geralde said the packages were found negative for explosives.

Instead, the packs contained an empty plastic container, an AA-size battery, and a short electric wire.

Post-blast investigators also failed to find an alarm clock that a church guard claimed he had seen inside the package.

Geralde said the wire found in the plastic bag might have been used during the re-wiring of the church’s electrical lines, and the empty plastic bottle could belong to a church worker.
Source

Thursday, May 7, 2009

Unang dayuhan na ipinako sa krus sa Pampanga

Alam nyo ba na naging kontrobersyal ang unang dayuhan na nagpapako sa krus sa San Pedro Cutud, Pampanga sa paggunita ng Semana Santa noong 1995.

Sinasabing ang Japanese national na si Shinichiro Kaneko ang unang dayuhan na nakasama ng mga Pinoy na nagpapako sa krus sa San Pedro Cutud bilang pag-aalala sa dinanas na hirap ni Hesus.

Pagkalipas ng isang taon, nagpalabas ng kautusan ang mga awtoridad na huwag ng magsama ng dayuhan sa pagpapapako sa krus matapos malaman na ginamit lang ni Shinichiro ang pagpapapako sa kanyang pornographic video.
Source

Tuesday, May 5, 2009

‘Improperly’ dressed churchgoers to get shawls in Bohol parishes

MANILA, Philippines - Saying the summer heat should not be an excuse to ignore a dress code in church, Church officials the diocese of Tagbilaran in Bohol province are set to drive home their point - with shawls.

Tagbilaran, Bohol Bishop Leonardo Medroso said the shawls will be draped on women who wear "backless" shirts when attending mass in church.

"Mahirap naman papuntahin sa sastre, bigyan na lang ng shawl, bahala na paglabas ng simbahan, hindi lang sa simbahan [It's hard to send a tailor to church, so we're going to cover their backs with shawls. They can wear whatever they want outside the church, but they must observe a dress code while inside]," Medroso, who chairs the Catholic Bishops' Conference of the Philippines Episcopal Commission on Canon Law, said in an interview on Church-run Radio Veritas.

He said he has asked parishes in the diocese to supply the shawls.

Medroso reminded churchgoers that a church "is a place of worship and therefore it has to be respected accordingly."

Short shorts and plunging necklines are also a no-no, he added.

"Dito sa aming Diocese nagpagawa kami ng kuwan tarpaulin na inilagay namin kung ano ang bagay at kung ano ang hindi bagay na isuot sa pagsimba [Here in our diocese we have a tarpaulin where we list what the appropriate clothing is]," he said.

In 2007, the Manila Archdiocese issued a set of guidelines on proper dressing in church, following complaints that some churchgoers had not been clad properly for church.
Source

Sunday, May 3, 2009

Pinakamaigsing titulo sa pelikula

Alam nyo ba kung anong letra ang ginamit sa itinuturing pinakamaigsing titulo sa pelikula sa Pilipinas na pinagbidahan ng FAMAS Best Actor na si Anthony Alonzo.

Ilan sa mga pinakamaigsing titulo sa pelikula na ipinalabas na ibang bansa ay ang; “O" na ipinalabas noong 2001 sa US at pinagbidahan ni Josh Hartnett; at ang “Z" na ipinalabas sa Sweden noong 1931 sa direksyon ni Fritz Lang.

Pero sa Pilipinas, itinuturing pinakamaigsing titulo sa pelikula ang “W" na pinagbidahan ng FAMAS Best Actor na si Anthony Alonzo, at sa direksyon ni Willy Milan na ipinalabas sa mga sinehan noong 1983.

Taong 1998 nang pumanaw si Anthony sa sakit na kanser. Bago nito ay dalawang termino rin siyang nagsilbi bilang konsehan sa Quezon City.
Source

Friday, May 1, 2009

‘Ina’ ng Hundred Islands

Alam nyo ba kung anong munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan ang tinatawag na “ina" ng Hundred Islands kahit hindi naman ito kabilang sa pulutong ng mga isla sa karagatan.

Ang Hundred Islands ay binubuo ng 124 pulutong ng mga isla kapag low tide at nababawasan ng isa kapag high tide.

Kabilang sa mga pangunahing atraksyon ng Pangasinan para sa mga lokal at dayuhang turista ang Hundred Islands na sakop ng lungsod ng Alaminos.

Pero kahit sakop ng Alaminos ang pulutong mga isla, ang munisipalidad ng Anda ang tinatawag na “Mother of the Hundred Islands." Bukod kasi sa malapit ang Anda sa Hundred Islands, ang naturang munisipalidad ay isa ring isla.
Source

Wednesday, April 29, 2009

Unang ‘Ding’ sa ‘Darna’

Hindi kumpleto ang kwento ng paboritong Pinoy superhero na “Darna" na nilikha ni Mars Ravelo kung wala ang kanyang sidekick na si “Ding." Kilala nyo ba kung sinong aktor ang unang gumanap sa papel na “Ding" noong 1951.

Taong 1951 nang ipalabas sa sinehan ang kauna-unahang pelikula na “Darna" na pinagbidahan ni Rosa del Rosario. Ang naturang pelikula ang isa rin sa mga huling proyekto ni Fernando Poe Sr. bilang direktor.

Pero ang kauna-unahang “Ding" na madalas sumakay sa likod ni “Darna" ay ginampanan ni Manuel Ubaldo. Dahil naging hit sa takilya ang pelikula, nasundan kaagad ang “Darna" sa sumunod na taon na pinagbidahan pa rin nina Del Rosario at Ubando.
Source

Monday, April 27, 2009

Mom gets quintuplets after expecting quadruplets

MANILA, Philippines - While she expected to give birth to quarduplets, a construction worker's wife got a surprise as she gave birth to quintuplets in Manila before dawn Monday.

Radio dzXL reported that Lolita Fernandez gave birth to the five girls through Caesarian operation at the Jose Reyes Memorial Medical Center at 4 a.m.

But of the five, only two were reported healthy, with two hooked to a respirator and the fifth still in critical condition and was placed in the intensive care unit.

The parents, who already a child aged one year and seven months, appealed to the public for financial help in raising their children.
Source

Thursday, April 16, 2009

Boxing champ na tagalinis ng sapatos

Bago pa man hinangaan ng mga Filipino ang husay ni Manny “Pacman" Paquiao sa boksing, alam nyo ba kung sinong Pinoy boxer ang tiningala sa buong mundo na dating tagalinis ng sapatos sa kanyang lalawigan.

Si Gabriel “Flash" Elorde, isinilang sa Bogo, Cebu noong 1935 ay nadiskubre habang naglilinis ng sapatos sa kanyang lalawigan noong ito ay tinedger pa lamang.

Hirap sa buhay ang pamilya ni Elorde kaya hindi nito tinapos ang pag-aaral sa elementarya upang kumita ng pera at makatulong sa kanyang magulang.

Sa edad na 16, sinasabing nahasa na ang husay ni Elorde sa boksing at napasabak na kaagad sa walong propesyunal na laban kung saan anim dito ay napatumba nya ang kalaban.

Nakuha ni Elorde ang titulo ng world super featherweight noong Marso 1960. Naidepensa nya ito ng 10 ulit hanggang 1967. Dahil dito, tinanghal siya bilang kampyon na pinakamatagal humawak ng world junior lightweight belt sa loob ng pitong taon.

Dahil sa sakit na kanser bunga ng kanyang hilig sa paninigarilyo, pumanaw si Elorde noong 1985 sa edad na 49.

Noong 1993, pinarangalan si Elorde bilang unang Asyano na iniluklok sa International Boxing Hall of Fame sa New York at sa prestihiyosong World Boxing Hall of Fame.
Source

Tuesday, April 14, 2009

‘Badageros’ noon, sino sila ngayon?

Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga “badegaros" sa lipunan kung usapin ng komunikasyon ang pag-uusapan. Ngunit dahil sa modernong teknolohiya, unti-unti na silang nawawala ngayon. Alam nyo ba kung sino sila?

Badageros ang tawag sa mga taong naghahatid ng mga sulat noong 17th Century nang panahon na nasasakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Ngayon mas kilala sila sa tawag na “kartero" o postman.

Limitado lamang noon ang serbisyo ng paghahatid ng sulat sa mga opisyal ng pamahalaan at alagad ng Simbahan. Ang mga badageros (dalawa kung magtrabaho) ang naghahatid ng mga sulat na walang bayad.

Sinasabing 1853 nang pahintulutan ng mga pamahalaan ng Kastila na buksan sa publiko ang serbisyo ng pagpapadala ng sulat. Dito na gumamit ng mga selyo o stamp at nagkaroon na rin ng bayad ang paghahatid ng mga mensahe.

Ngunit bunga ng modernong teknolohiya, malaking bilang mga badageros ngayon ang nawalan ng trabaho dahil ang mga mensahe ay naipadadala na sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, cell phone, text message at e-mail o electronic mail.
Source

Sunday, April 12, 2009

Umasenso sa P10,000 puhunan

Kilala nyo ba kung sino ang negosyante na nagsimula sa puhunan na P10,000 at segunda-manong trak at ngayon ay isa na sa pinakamayamang Pinoy sa Pilipinas.

Isinilang noong Disyembre 13, 1949 sa Tundo, Manila si Manuel “Manny" Villar Jr., na ngayon ay Senate President ng bansa. Sa murang edad, nagtinda siya ng hipon at isda sa palengke ng Divisoria kasama ang ina.

Nang magtapos ng kolehiyo sa University of Philippines (UP) sa kursong business administration and accountancy, magtrabaho siya bilang accountant sa Sycip Gorres Velayo & Co. (SGV & Co).

Hindi rin nagtagal ay nagbitiw siya sa trabaho upang magtayo ng sariling negosyo na seafood delivery sa isang restaurant. Nang hindi siya mabayaran ng restaurant, kinausap nya ito upang magbigay ng “meal ticket" na kanya namang ibinibigay sa mga nagtatrabaho sa isang opisina na may discounted rate.

Pansamantala rin siyang nagtrabaho bilang financial analyst sa Private Development Corporation of the Philippines. Taong 1975 nang nagpasya siyang pasukin ang negosyo ng graba at buhangin na kung saan ang puhunan nya ay P10,000 na ipinambili nya ng segunda-manong trak.

Mula sa graba at buhangin, napunta si Villar sa pagbebenta ng mga bahay sa mga developer na sinusuplayan nya ng mga construction material hanggang sa tuluyan na nitong pasukin ang real estate business sa pamamagitan ng Camella and Palmera Homes.

Taong 1992 nang pasukin nya ang pulitika at tumakbong kongresista ng Las Pinas. Sa kanyang huling termino ay nahalal siyang Speaker ng House of Representatives. Nang tumakbong senador noong 2001, ginamit niyang campaign slogan ang “Sipag at Tiyaga" na batay umano sa kanyang sariling karanasan sa pag-asenso.
Source

Friday, April 10, 2009

Sumpaan ng mga Presidente

Alam nyo ba na limang Presidente ang nanumpa sa kanilang tungkulin bilang lider ng Pilipinas sa isang grandstand sa Maynila na mas kilala sa tawag noon na Independence Grandstand.

Independence Grandstand ang tawag noon sa mas kilala ngayon na Quirino Grandstand sa Luneta. Kabilang sa mga presidente na nanumpa rito sa mismong Rizal Day ay sina dating Pangulong Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal at Ferdinand E. Marcos.

Sina dating Pangulong Corazon Aquino ay nanumpa sa loob ng Club Filipino sa San Juan, habang matapos mapatalsik ng People Power revolt 1 si Marcos noong 1986. Samantalang si dating Pangulong Joseph Estrada ay nanumpa sa Barasoin Church sa Bulacan.

Si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nanumpa sa EDSA (People Power monument) matapos ang matagumpay na ikalawang People Power revolt na nagpatalsik kay Estrada noong 2001. Sa lalawigan naman ng Cebu pinili ni Arroyo na manumpa nang manalo sa halalan noong 2004.
Source

Wednesday, April 8, 2009

Bigong pagpatay sa Unang GinangBigong pagpatay sa Unang Ginang

Kilala nyo ba kung sino ang dating First Lady ng bansa na nagtamo ng mahigit 70 tahi sa braso at kamay bunga ng mga taga na inabot niya sa isang lalaking sumalakay sa kanya sa harap ng maraming tao.

Mahigit dalawang buwan mula nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong September 23, 1972, sinugod ng isang lalaki na nakasuot ng damit na amerika ang si dating First Lady Imelda Marcos at inundayan ito ng mga taga.

Sinasabing naganap ang bigong asasinasyon kay Gng Marcos sa lumang Nayong Filipino habang dumadalo ito at nagkakaloob ng parangal sa isa niyang proyekto. Hindi kaagad natunugan ng mga bantay ni Gng Marcos ang masamang balak ng lalaki dahil itinago nito ang patalim sa loob ng mahabang manggas ng amerikana.

Dahil sa umiiral na batas militar, nagkaroon ng media blackout sa naturang insidente kaya hindi nagkaroon ng sapat na impormasyon ang media sa pagkakakilanlan ng suspek na napatay rin ng mga security personnel ni Gng. Marcos.

Maliban sa hinala ng militar na miyembro ng komunistang grupo ang suspek, may ilang hindi kumpirmadong ulat na nagsabing Carlito Dimailig ang pangalan nito, at nagmula siya sa lalawigan ng Batangas. Hindi rin malinaw kung saan inilagay ang kanyang mga labi.
Source

Monday, April 6, 2009

Pulitika sa dugo ni Francis M.

Sinasabing namana ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona ang kanyang talento sa sining ng pag-arte at musika mula sa kanyang mga magulang na artista. Pero kanino kaya niya namana ang pagiging mulat sa mga usapin sa lipunan na kadalasang tema ng kanyang mga awitin.

Si Francis ay anak ng mga batikang artista na sina Pancho Magalona at Tita Duran. Pero alam nyo ba na ang lolo ni Francis na si Enrique Magalona (tatay ni Pancho) ay dating senador ng bansa at batikang pulitiko sa Negros Occidental.

Dalawang ulit naging senador si Enrique mula noong 1946-1949 at 1949 hanggang 1955. Ngunit bago naging senador, nagsilbi siyang municipal president ng bayan ng Saravia at assemblyman hanggang 1938.

At dahil sa kontribusyon ni Enrique sa kanyang bayan at sa lalawigan ng Negros, isang batas ang pinagtibay noong 1976 upang ipangalan sa kanya ang bayan ng Saravia.

Sa edad na 44, pumanaw si Francis M. noong Marso 6 sa sakit na leukemia
Source

Saturday, April 4, 2009

Bayan na ipinangalan sa makata

Nagtrabaho dati bilang kasambahay (houseboy) ang makatang ito. At sa laki ng kontribusyon na ibinigay niya sa Pilipinas sa larangan ng literatura, tinanghal siyang "Prinsipe ng tula" at ipinangalan sa kanya ang isang bayan sa Bulacan kung saan siya isinilang.

Isinilang si Francisco Baltazar sa Bigaa, Bulacan noong Abril 1788. Nagtrabaho siya bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa Tundo, Maynila noong kanyang kabataan upang tustusan ang kanyang pag-aaral.

Sa kanyang sikap at tiyaga, nakapagtapos si Francisco ng kolehiyo sa kursong Philosophy at Theology. Ipinagpatuloy din niya ang kanyang hilig sa paggawa ng mga tula at nakilala siya sa bansag na “Francisco Balagtas."

Pinakasikat at kilala sa kanyang mga obra ang “Florante at Laura" na isinulat niya sa Tagalog at sinasabing hango sa masaklap niyang karanasan sa pag-ibig at pagmamalupit ng mga Kastila.

Sa kanyang husay, kinilala si Francisco bilang “Prinsipe ng Tula," at isinunod sa kanyang pangalang “Balagtas" ang bayan ng “Bigaa." Kay Francisco rin kinuha ang kompetisyon sa literatura na kung tawagin ngayon ay “Balagtasan."
Source

Thursday, April 2, 2009

Sikat na kumpanya na hango sa kalye

Alam nyo ba na hango sa isang kalye sa Maynila at sa Barcelona, Spain ang pangalan ng isang kumpanya na gumagawa ng nakalalasing inumin na hindi lang sa Pilipinas sikat kundi maging sa ibang bansa sa Asya.

Sinasabing itinatag noong 1890s ang San Miguel Corporation na sinimulan ni Enrique Barretto y de Ycaza sa pamamagitan ng royal grant mula sa Espana. Ngunit bago naging SMC, ang dating pangalan ng kumpanya ay La Fabrica de Cerveza de San Miguel.

Ang pangalang San Miguel ay mula sa isang distrito sa Maynila na malapit sa Malacanang kung saan itinayo ang kauna-unahang brewery ng kumpanya. May katulad ding pangalan ng kalye na San Miguel sa Barcelona, Spain.

Taong 1960s nang paigsiin na umano ang pangalan ng kumpanya sa San Miguel Corporation at ilipat ang head office nito mula sa Maynila sa Ayala Avenue sa Makati.
Source

Monday, March 16, 2009

Manikin na gumagalaw ng Manila COD

Inaabangan taun-taon ang kinagigiliwang Christmas display ng mga gumagalaw na manikin sa Greenhill Shopping Complex sa San Juan City. Pero alam nyo ba na ang palabas na ito tuwing Pasko ay nagsimula lamang bilang gimik upang bumenta ang isang maliit na tindahan sa Maynila.

Taong 1957 nang simulan ng pamilya Rosario na magpalabas ng gumagalaw na manikin na nakakabit sa motor ng bentilador upang makuha ang atensyon ng mga tao. Layunin nito pasukin ng tao ang kanilang tindahan sa Avenida, Recto sa Maynila na kilala noon sa tawag na Manila COD (Cash on Delivery).

Dahil nag-klik ang gimik, naisipan ng mga Rosario na gumawa ng bersyon ng palabas sa Pasko gamit ang manikin na ginawang si Santa Claus. Mula noong ay nagkaroon na ng ibat-ibang tema ang palabas ng manikin hanggang sa ilipat ang COD sa mas malaking lugar sa Araneta Center sa Cubao noong 1966.

Dito ay lalo pang pinalaki ang gimik ng gumagalaw na manikin at dinaluhan na rin ng mga kilalang artista at personalidad sa unang araw ng pagbubukas ng palabas sa kapaskuhan. Subalit dahil sa pagdami ng malalaking department store sa Cubao, hindi na kinaya ng COD ang kompetisyon at napilitan ang pamilya Rosario na isara ang kanilang establisimyento noong 2002.

Bagaman isinara ang COD, hinikayat naman ng mayamang pamilya ng Ortigas ang mga Rosario na ilipat ang kanilang Christmas mannequin show sa Greenhills Shopping Center – na nagsilbing ikatlong tahanan ng mga gumagalaw na manikin.
Source

Saturday, March 14, 2009

Pinakaligtas na kalsada

Nakababahala ang pagdami ng aksidente sa kalsada kung saan sinasabing umabot ang bilang ng sakuna sa 11,532 noong 2007. Pero alam nyo ba kung saang lalawigan makikita ang itinuturing pinakaligtas na kalsada dahil sa mababa kundi man wala talagang naitatalang aksidente sa kalye.

Batay sa talaan ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police, lubhang malaki ang itinaas ng aksidente sa mga lansangan sa bansa na mula sa 5,551 kaso noong 2002 ay umakyat sa 11,532 noong nakaraang taon.

Sa taong 2006 at 2007, sinasabing pinakamataas ang kaso ng aksidente sa lansangan sa Region XI (Davao Region), habang pinakamababa naman sa Region VI (Western Visayas), ayon sa Safety Organization of the Philippines (SOPI) batay umano sa datos ng Department of Public Works and Highways.

Sa Metro Manila, ang lungsod ng Quezon City – kung saan makikita ang Commonwealth Avenue na binansagang ‘killer highway’ dahil sa dami ng aksidente – ang naitala na pinaka-accident prone na lugar, habang pinakamababa naman sa Pateros – ang pinakamaliit na bayan sa Metro Manila.
.
Sinabing umabot sa 31,686 ang aksidente sa mga kalye sa Quezon City mula 2006-2007, kumpara sa 289 kaso sa Pateros sa kaparehong taon.
Source

Thursday, March 12, 2009

Nakabiting ataul

Kung karaniwang six-feet under the ground ang sistema ng paglilibing sa mga yumao sa Pilipinas, kakaiba ang nakaugalian ng mga naunang katutubo sa hilagang bahagi ng Luzon kung saan pataasan ang pagsabit sa ataul ng kanilang pumanaw na mahal sa buhay sa gilid ng bundok.

Isa sa mga atrasyon ng turismo sa Sagada, Mountain Province ang kanilang “hanging coffins" kung saan makikita ang mga ataul na nakasabit sa matigas na bahagi sa gilid ng bundok.

Sinabing mahigit 2,000 taon na ang tradisyon sa paglilibing sa gilid ng bundok na sinimulan ng mga ninuno ng katutubo sa Sagada. Isa umano sa paniwala sa ganitong tradisyon ay mas mataas ang pwesto, mas malapit sa kinikilala nilang Diyos.

Hanggang ngayon, may ilan pa rin nakatatanda sa Sagada ang nais na ilibing sila sa mataas na bahagi ng bundok sa halip na sa mga sementeryo.

Sa Sagada rin makikita ang paraan ng mga pagpreserba sa mga labi ng yumao o gawing “mummy" ang pumanaw. Makikita rin sa lalawigan ang isa pang tradisyon ng paglilibing dito sa pamamagitan ng pagpatong-patong ng mga ataul sa mga kweba.
Source

Tuesday, March 10, 2009

Pinakamaliit sa Metro Manila

Alam nyo ba kung anong bayan sa Metro Manila ang pinakamaliit kung pababatayan ang sukat ng lupain nito at bilang ng populasyon?

Ang Pateros na may land area na 2.1 km² (0.8 sq mi) at natitirang bayan sa Metro Manila ang hindi pa naidedeklarang lungsod. Batay sa 2000 census, ang Pateros ay mayroon lamang 57,000 populasyon.

Sa kabila nito, ang Pateros na kilala sa produktong “balot at penoy" ay pangalawa sa most densely populated sa Metro Manila na tinatayang 27,000 tao per square kilometer kasunod ng Maynila.

Ang pinakahuling idineklarang lungsod o city sa Metro Manila noong 2007 ay ang San Juan City at Navotas City. Ang iba pang lungsod sa Metro Manila ay ang Quezon City, Caloocan, Maynila, Makati, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Malabon, Paranaque, Pasay, Pasig, Valenzuela, at Taguig.
Source

Sunday, March 8, 2009

Unang National Artist sa Pinas

Kilala nyo ba kung sino ang dating cartoonist sa babasahin na pinarangalan bilang kauna-unahang National Artist ng Pilipinas dahil sa husay niyang magpinta.

Taong 1972 nang hirangin si Fernando Amorsolo, isinilang noong May 30, 1892 sa Paco, Maynila, bilang kauna-unahang National Artist for Painting sa Pilipinas.

Ngunit bago maging national artist, sinasabing nagside-line muna si Amorsolo bilang illustrator o cartoonist sa Philippines Free Press at The Independent para sa mga kwentong Lipang Kalabaw at Telembang para kumita habang nag-aaral.

Mula sa Camarines Norte kung saan sila lumaki ng kanyang apat na kapatid, iniluwas sila sa Maynila ng kanilang ina nang pumanaw ang kanilang ama. Sa Maynila, tumuloy sila sa kanilang tiyuhin na si Don Fabian de la Rosa na nakaimpluwensya umano kay Amorsolo para magpinta.

Edad 13 nang makita ang potensyal ni Amorsolo sa pagguhit. Nagsikap sila ng kanyang mga kapatid na mag-aral, hanggang makaabot sa University of the Philippines School of Fine Arts.

Lalo pang nahasa ang husay ni Amorsolo sa pagpipinta nang mabigyan siya ng grant ng isang negosyante para makapag-aral sa Academia de San Fernando sa Madrid, Spain,

Unang gantimpala na nakuha ni Amorsolo sa paggunit ay noong 1908 nang mag- 2nd place sa patimpalak ng Bazar Escolta (Asocacion Internacional de Artistas) para sa Levendo Periodico.

Ang Rice Planting naman na ginuhit ni Amorsolo ang itinuturing isa sa mga pinakamahalagang obra niya noong 1922.
Source

Friday, March 6, 2009

Bigong pagpatay sa Unang Ginang

Kilala nyo ba kung sino ang dating First Lady ng bansa na nagtamo ng mahigit 70 tahi sa braso at kamay bunga ng mga taga na inabot niya sa isang lalaking sumalakay sa kanya sa harap ng maraming tao.

Mahigit dalawang buwan mula nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong September 23, 1972, sinugod ng isang lalaki na nakasuot ng damit na amerika ang si dating First Lady Imelda Marcos at inundayan ito ng mga taga.

Sinasabing naganap ang bigong asasinasyon kay Gng Marcos sa lumang Nayong Filipino habang dumadalo ito at nagkakaloob ng parangal sa isa niyang proyekto. Hindi kaagad natunugan ng mga bantay ni Gng Marcos ang masamang balak ng lalaki dahil itinago nito ang patalim sa loob ng mahabang manggas ng amerikana.

Dahil sa umiiral na batas militar, nagkaroon ng media blackout sa naturang insidente kaya hindi nagkaroon ng sapat na impormasyon ang media sa pagkakakilanlan ng suspek na napatay rin ng mga security personnel ni Gng. Marcos.

Maliban sa hinala ng militar na miyembro ng komunistang grupo ang suspek, may ilang hindi kumpirmadong ulat na nagsabing Carlito Dimailig ang pangalan nito, at nagmula siya sa lalawigan ng Batangas. Hindi rin malinaw kung saan inilagay ang kanyang mga labi.
Source

Wednesday, March 4, 2009

Alyas ni Bonifacio

Kilala ang bayaning si Andres Bonifacio sa tawag na “Supremo" sa Katipunan na lumaban sa pananakop ng mga Kastila. Pero alam nyo ba na may iba pa siyang alyas na nagsisimbulo ng kanyang positibong pananaw sa kalayaan ng Pilipinas.

Isinilang si Andrés Bonifacio noong November 30, 1863 sa Tundo, Maynila malapit sa istasyon ng tren sa Tutuban. Sinasabing tinedyer pa lang si Andres nang magkasunod na pumanaw ang kanyang magulang na sina Santiagos Bonifacio at Catalina de Castro kaya napilitan itong maghanap-buhay upang suportahan ang mga kapatid.

Hindi naglaon, naging isa sa mga lider si Bonifacio ng Katipunan kung saan binansagan siya bilang “Supremo" ng kilusan na lumaban sa mga mananakop na Kastila.

Subalit dahil sa hidwaan sa ibang grupo ng mga rebolusyunaryo na pinamumunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo, nilitis si Bonifacio sa Cavite at paglaon ay pinatay sa kabundukan sa Maragondon kasama ang kanyang kapatid na si Procorpio.

Bago siya paslangin, pinapirma si Bonifacio sa transcript sa ginawang paglilitis sa kanya sa Cavite kung saan inilagay niya ang bansag sa kanya sa kilusan na “Maypagasa."
Source

Tuesday, March 3, 2009

Aktres sa likod ng FAMAS trophy

Ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ang pinakamatandang award-giving body sa Asya. Pero alam nyo ba kung sinong aktres ang naging modelo ng FAMAS sa ipinagkakaloob nitong tropeo kung saan ang imahe ng babae ay nakataas ang kamay at may hawak na rolyo ng negatibo sa paggawa ng pelikula?

Ang FAMAS ay itinatatag noong 1953 at nagsilbing counterpart ng award-giving body sa Amerika na Academy of Motion Picture Arts and Sciences o AMPAS. At kung may tropeo na “Oscar" ang AMPAS ng US, mayroon din syempre ang FAMAS – babae naman.

Ang aktres na si Sosa Rosal ang naging modelo ng naturang tropeo ng FAMAS kung saan hawak ng babae ang rolyo ng negatibo sa paggawa ng pelikula. Ang debuho ay idinesenyo ni Manuel Barreiro.

Ang manunulat na si Atty. Flavio G. Macaso ang naging unang presidente ng FAMAS. Habang si Art Padua naman ang kasalukuyang presidente at itinuturing longest-reigning president ng samahan.
Ngunit naging kontrobersyal ang liderato ni Padua dahil kinuwestyon ito sa korte ni Col. Jimmy Tiu hanggang sa kasalukuyan.
Source

Friday, February 27, 2009

Trahedya sa Disyembre 20

Dalawampu’t isang taon na ang nakararaan nang maglukha ang buong Pilipinas dahil sa naganap na trahedyang ito noong Diyembre 20, 1987 na itinuturing pinakamalagim sa buong mundo. Alam nyo ba kung anong aksidente ito na pinapaniwalaang kumitil sa buhay ng mahigit 4,000 tao.

Disyembre 20, 1987 nang magbanggan ang pampasaherong barko na MV Doña Paz at oil tanker MT Vector sa karagatang sakop ng Sibuyan sa pagitan ng Mindoro at Marinduque.

Galing ang Dona Paz sa Tacloban City, Leyte patungo sa Maynila nang maganap ang malagim na trahedya. Nagliyab ang karagatan dahil sa kargang krudo ng MV Vector na nagpalala sa sitwasyon.

Nabili umano ng kumpanyang Sulpicio Lines ang barkong Dona Paz na ginawa sa Japan noong 1975. Ayon sa talaan ng Wikipedia, ang orihinal na pangalan umano nito ay Himeyuri Maru.
Source

Wednesday, February 25, 2009

Lungsod na bawal ang paputok

Kung abala ang Department of Health sa paghahanap ng paraan kung papaano “tatakutin" ang mga Filipino para hindi na magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, isang lungsod naman sa Pilipinas ang walang problema kapag magpapalit ang taon dahil sa umiiral ang total ban sa paputok.

Taun-taon ay maraming Filipino ang dinadala sa mga pagamutan dahil sa pinsalang tinamo sa katawan dahil sa paputok. Sinasabing sa pagsalubong ng 2005, umabot sa 177 tao ang nasaktan dahil sa paputok.

Ang naturang bilang ng mga biktima ay bumaba sa 118 noong 2006 at bahagya pang nabawasan noong 2007 sa bilang na 108. Ngunit sa pagsalubong nitong 2008, mula Disyembre 21, 2007 hanggang Enero 2, 2008 ay lumobo ang bilang ng mga naputukan sa 439. Hindi pa kasama rito ang mga tinawaan ng ligaw na bala.

Bilang paghahanda sa pagsalubong sa 2009, nagpalabas ng anunsyo ang Department of Health ng mga malagim na eksena ng mga naputukan tulad ng mga gutay-gutay na kamay para “takutin" ang publiko sa malagim na pinsala ng paputok.

Dahil sa pinsalang dulot ng paputok; bukod pa sa mga insidente ng sunog, nagpalabas ng ordinansya ang konseho ng Davao City na sinuportahan ni Mayor Rodrigo Duterte para ipatupad ang “total ban" sa paputol sa lungsod noong 2001.

Ngunit bago ipatupad ang ban, kabilang ang Davao City sa mga lunsod na may mataas na bilang ng mga naputukan. Sa talaan ng Davao Medical Center, may 47 biktima ng paputok noong 1998, 59 sa 1999, at 88 noong 2000.
Source

Monday, February 23, 2009

Robbers fall after being ‘text-tricked’ for a date

MANILA, Philippines - Four robbers who divested a 19-year-old man of his cell phone a week ago got their comeuppance in a "textmate" sting operation, a radio report said early Thursday.

Radio dzBB's Louie Garcia reported the four, two of them minors, had fallen for a trap set by their victim who posed as a female texter asking for an "eyeball" or meeting.

Arrested by Manila police in Tondo were Eduardo Buen and Erwin Gucuel, and the two minors aged 16 and 17.

Initial investigation showed the four held up Henry Manguya, 19, in Tondo and took his money and cell phone sometime last week.

After seeking police assistance, Manguya lured the robbers to an "eyeball" by sending a text message to his stolen cell phone and introducing himself as a woman.

The suspects were arrested when they showed up at the meeting place.
Source

Saturday, February 21, 2009

NBI clearance left at heist scene hands over robber

MANILA, Philippines - A robber will likely have his National Bureau of Investigation (NBI) clearance canceled after leaving it at the scene of a robbery in Quezon City, a radio report said.

Radio dzBB reported early Thursday that the suspect, identified through his NBI clearance as Christopher Santiago, left his wallet at the store of Sophia Mariquit.

Mariquit told police Santiago entered her store at IBP Road in Batasan Hills village and divested her store of P1,000 at gunpoint.

Santiago, whose address was listed as Del Monte Avenue in Quezon City, then escaped but left behind his wallet, which contained the NBI clearance.
Source

Thursday, February 19, 2009

Pinaghiwalay ang Itim na Nazareno

Pinapaniwalaang milagroso ang imahen ng Itim na Nazareno sa Simbahan ng Quiapo. Katunayan, ilang kalamidad na ang pinagdaanan nito tulad ng sunog at lindol. Pero alam nyo ba na pinaghiwalay ang katawan nito dapat sa peligro na kagagawan ng tao.

Tuwing ika-8 at 9 ng Enero ng taon ay inilalabas ng simbahan ang imahen ng Black Nazarene para sa prosisyon na dinadaluhan ng libu-libong deboto. Ngunit dahil sa siksikan, tulukan at pagnanais na makalapit sa imahen, hindi maiwasan na mapinsala ito.

Katunayan, minsan ng nabali ang krus na pasan ng nakaluhod na Nazareno. Sinasabing nahagip na rin ng bala ang mukha ng imahen noong dekada 90. Dahil sa peligrong dulot ng mga tao, pinaghiwalay umano ang katawan ng imahen.

Ang ulo ng Nazareno ay ikinabit sa replikang katawan, samantalang ang orihinal na katawan ay kinabitan naman ng replika na ulo. Sinasabi na ang imahen na may orihinal na katawan ang madalas na iparada, habang naiiwasan sa loob ng simbahan ang imahen na may orihinal na ulo.
Source

Tuesday, February 17, 2009

Sayaw na nakabubuntis

Alam nyo ba kung saan sa Pilipinas ginaganap ang tradisyunal na prusisyon ng tatlong Santo na dinadaluhan ng mga taong naghahangad na magkaroon ng asawa, masaganang buhay, at higit sa lahat - anak.

Ang Pista ng Obando sa Bulacan ay dinadayo maging ng mga dayuhang turista dahil sa maraming testimonya na nagkaroon sila ng anak matapos sumama sa prusisyon at nakisayaw sa saliw ng tugtog ng “Santa Clara Pinung-Pino."

Ang taunang selebrasyon tuwing kalagitnaan ng Mayo ay tatlong araw na isinasagawa upang maglaan ng araw ng prusisyon sa bawat Santo. Ito ay sina San Pascual Baylon (St. Paschal), Santa Clara (St. Clare) at Nuestra Señora de Salambao (Our Lady of Salambao).

Ang imahe ni Santa Clara ang pinakamatandang patron sa Obando ay dinala umano ng mga Franciscan missionaries sa Catanghalan na dating pangalan ng Obando.

Sumunod nito ay ang imahe ni San Pascual Baylon na dinala rin ng mga misyunaryong kastila matapos maitayo ang isang simbahan sa bayang ito noong 18th century.

Sinasabing nalambat naman ng mga mangingisda sa laot ang imahe ng Nuestra Señora de Salambao at dinala ito sa simbahan ng Obando. Ang Nuestra Señora de Salambao ang itinuturing patron ng mga mangingisda at kasaganahan.
Source

Sunday, February 15, 2009

‘Oplan Yellow’ sa Malacanang

Tinawag na “Oplan Yellow" ang taktika na ginamit ng militar at pulisya upang protektahan ang Malacanang sa isang malaking pagtitipon ng mga magsasaka. Ngunit nauwi sa karahasan ang protesta at naging bahagi ng madugong kabanata sa kasaysayan ng bansa.

Enero 22, 1987 nang magmartsa ang may 10,000 magsasaka patungong Mendiola upang ipanawagan sa noo’y Pangulong Cory Aquino na ipatupad ang tunay na repormang agraryo.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, dating hepe ng Manila police district na bahagi ng pwersa na magpoprotekta sa Malacanang, tinawag na “Oplan Yellow" ang taktika ng militar at pulisya para pigilin ang magsasaka sakaling sumugod sa Palasyo.

Isang malakas na pagsabog umano ang nagmistulang hudyat sa pagsugod ng mga magsasaka patungo sa direksyon ng Malacanang. Sumunod nito ay ang walang tigil na putukan sa hanay ng awtoridad.

Nang tumigil ang putukan, 13 magsasaka ang nasawi at mahigit 80 iba pa ang nasaktan dahil sa tama ng bala. Binansagang ang trahedyang ito na "Mendiola Massacre."

Iginiit ni Lim na hindi nagmula sa pwersa ng mga pulis ang bumaril sa mga magsasaka kundi sa mga kasama nilang militar na myembro ng Philippine Marines.
Source

Saturday, February 14, 2009

Sayaw para sa Sto Nino

MANILA – Dalawang hakbang pasulong, isang hakbang paatras. Alam nyo ba kung anong sayaw ito na pinapaniwalaang isang ritwal noon para magbigay pugay sa imahe ng Sto Nino na ginagawa taon-taon sa isang lalawigan sa Visayas.

Ang sayaw na ito ay tinawag na “Sinulog," na hango sa salitang “sulog" o agos ng ilog. Sa taunang “Sinulog festival" sa lalawigan ng Cebu, nagmimistulang agos ang mga taong makikisaya sa kalye sa ritmo ng malakas na tambol.

Tumatagal ng siyam na araw ang kapistahan ng Sto Nino sa Cebu na may dalawang malalaking aktibidad – ang prosisyon ng Sto Nino at ang makulay at engrandeng parada na dinadayo maging ng mga dayuhan.

Ang imahe ng Sto Nino de Cebu ay sinasabing dinala sa lalawigan noong 1521 ni Ferdinand Magellan bilang regalo kina Rajah Humabon at kabiyak nitong si Hara Humamay.

Nakakamit umano ng mga nakikilahok sa kapistahan ang kanilang mga hinahangad kung mataimtim at matibay ang pananampalataya sa Sto Nino.
Source

Friday, February 13, 2009

Lungsod na ‘di nasanay sa tawag na Rizal

Alam nyo ba kung anong lungsod sa Metro Manila ang isinunod sa pangalan ni Dr Jose Rizal pero hindi umabot ng tatlong taon ay ibinalik din sa kanyang orihinal na pangalan?

Hunyo 1947 nang lagdaan ni dating Pangulong Manuel Roxas ang ipinasang panukalang batas ng Kongreso upang tawaging Rizal ang lungsod na ito sa Metro Manila.

Ang naturang panukalang batas ay inihain ng kanilang kongresista na si Ignacio Santos Diaz at nang panahon iyon ay alkalde naman si Mateo Rufino.

Ngunit pagkalipas ng dalawang taon at mahigit walong buwan, hindi pa rin nasanay ang mga residente na tawagin ang kanilang lungsod na Rizal. Dahil dito, naghain ng panibagong panukalang batas ang sumunod na kongresista na si Eulogio Rodriguez, Jr. upang ibalik sa orihinal na pangalan ang kanilang lugar.

May 3, 1950 nang nilagdaan ng sumunod na pangulo noon na si Elpidio Quirino ang batas na ipinasa ng Kongreso na ibalik sa orihinal na ang pangalan ang lungsod – ito ay ang Pasay.
Source

Thursday, February 12, 2009

Pinay beauty queen na tumanggi sa korona

Kilala nyo ba kung sino ang Pinay beauty queen na dapat sana’y unang Asian na naging Miss World ngunit tinanggihan nya ang korona bilang protesta.

Nobyembre noong 1973 nang katawanin ni Evangeline Pascual ang Pilipinas sa patimpalak na Miss World na ginanap sa Royal Albert Hall sa London.

Tabla ang naging boto ng mga hurado kina Pascual at Miss USA na si Marjorie Wallace. Dahil dito, kinailangang bumoto ang chairman of the board ng mga hurado na si Gregory Peck - isang aktor mula sa US.

Si Wallace ang pinili ni Peck at naging first-runner up si Pascual.

Ngunit ilang buwan ang nakalipas, inalis kay Wallace ang korona bilang Miss World dahil inuuna umano nito ang pakikipag-date sa mga kilalang personalidad kaysa tungkulin ng isang Miss World.

Nang isalin ng pamunuan ng Miss World ang korona kay Pascual bilang first runner-up, sinasabing tinanggihan ito ng Pinay sa paniwalang hindi naging patas sa kanya at sa mga Asyano ang naging desisyon ng hurado noong araw mismo ng patimpalak.
Source

Wednesday, February 11, 2009

Pinakamatandang bangko sa Pinas

Taong 1851 nang itatag ang kauna-unahang bangkong Pinoy sa Pilipinas na Banco Español-Filipino de Isabel II. Alam nyo ba na pagkalipas ng mahabang panahon ay bukas pa rin ito hanggang ngayon bagaman iba na ang pangalan.

Ang Banco Español-Filipino de Isabel II (o Filipino Bank of Isabel II) ay ipinangalan sa reyna ng Espana na si Isabella II, anak ng dating hari na si King Ferdinand VII. Dahil wala pang sariling salapi ang Pilipinas nang panahong iyon, ang pera na idinedeposito sa bangko ay tinawag na “pesos fuertes" o “strong peso" na hango sa salapi ng mga Mexicano.

Ang unang deposito sa bangko ay inilagak umano ng isang nagngangalang Fulgencio Barrera. Isang Tsino naman na nagngangalang “Tadian" ang sinasabing unang kliyente ng bangko para humiram.

Nang maisakatuparan ang Treaty of Paris noong 1898 at mailipat sa United States ang pamamahala sa Pilipinas, nailipat na rin ang pamunuan ng Banco Español-Filipino de Isabel II sa mga Filipino mula sa mga Espanol.

At pagsapit ng 1912, tuluyan ng nagpasya ang pamunuan ng bangko na palitan ang pangalan nito at tawaging Bank of the Philippine Islands (BPI).
Source

Tuesday, February 10, 2009

Palitan ng lider sa Kongreso

Alam nyo ba kung ilang ulit nang nagpalit ng Senate President at Speaker of the House sa Kongreso mula nang maibalik ang demokrasya sa Pilipinas noong 1986 matapos mapatalsik sa pamamagitan ng people power revolution si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Simula sa termino ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986 hanggang sa kasalukuyang gobyerno ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (2008), 13 ulit nang nagpalit ng lider sa Senado habang pito naman sa Kamara de Representantes.

Kabilang sa mga naging Senate President ay sina Jovito Salonga (1987-1991), Neptali Gonzales (1992-1993, 1995-1996, Jan-June 1998), Edgardo Angara (1993-1995), Ernesto Maceda (1996-1998), Marcelo Fernan (1998-1999), Blas Ople (1999-2000), Aquilino Pimentel (2000-2001), Franklin Drilon (2000, 2001-2006), Manny Villar (2006-2008) at kasalukuyang Senate President Juan Ponce Enrile (2008).

Samantala, naging Speaker of the House naman sina Ramon Mitra (1987-1992), Jose De Venecia (1992-1995, 1995-1998, 2001-2004, 2004 -2007, 2007-2008), Manny Villar (1998 -2000), Arnulfo Fuentebella (2000-2001), Feliciano Belmonte (Jan 2001- June 2001), at kasalukuyang Speaker Prospero Nograles (2008).
Source

Monday, February 9, 2009

Unang liga ng basketball bago ang PBA

Kinikilala ang Philippine Basketball Association (PBA) bilang kauna-unahang professional basketball league sa Pilipinas at sa buong Asya na itinatag noong 1975. Ngunit alam nyo ba na bago sumikat ang PBA ay may ibang liga na unang kinahumalingan ang mga Filipino.

Unang inabangan ng mga Pinoy ang laban ng basketball sa liga ng Manila Industrial and Commercial Athletic Association o MICAA na itinatag noong 1938 bago tuluyang tumiklop noong 1981.

Karamihan sa mga team na unang naglaro nang itatag ang PBA noong 1975 ay kumalas mula sa MICAA dahil sa hindi pagkakaunawaan sa namamahala sa liga. Nagsimula ang MICAA na amateur league kung saan mga kawani lamang ng kumpanya ang naglalaro. Ngunit hindi nagtagal ay isinali na rin ang mga professional player.

Kabilang sa mga teams na naglaro sa MICAA ay ang: 7-Up Uncolas, CFC/Presto, Chelsea, Crispa Floro Redmanizers, H.E. Hecock, Inc., Komatsu/Toyota Comets, Manila Ports Terminal, Meralco Reddywatts/Reddy Kilowatts/Reddies, Philippine Airlines Skymasters, Puyat Steel, San Miguel Braves, Universal Textiles, YCO Painters at Ysmael Steel Admirals.

Ilan sa mga sikat na manlalaro sa PBA na galing din sa MICAA ay sina Bogs Adornado, Francis Arnaiz, Atoy Co, Bernie Fabiosa, Ramon Fernandez, Abet Guidaben, Freddie Hubalde, Carlos Loyzaga, Freddie Webb, at Robert Jaworski.
Source